Isa sa mga inaantabayanan ng fans sa eksena sa Indonesia ang MPL transfers partikular na sa gitna ng season kung saan maaaring bumunot ang mga koponan ng players mula sa kanilang MDL teams.
Simula noong nagkaroon ng MDL, nasaksihan ang flexibility ng teams sa kanilang rosters. Aktibo ang player turnover, partikular na sa mga lineup na hindi nagpakita ng magandang performance sa una nilang salang. Tipikal na ginagawa ng orgs na mag-promote ng players na nagpakitang-gilas sa developmental league para isalang sa MPL.
Dahil rin sa MPL transfers, nakita ng mga miron ang tunay na lakas ng ex-MDL players sa big league. Hindi ipinahiya nina Alberttt, Skylar, Ferxiic, Nino at sa kasakuluyang season ay si Sutsujin, ang tiwalang ibinigay ng orgs sa kanila ng pumasok sila sa liga.
Naganap ito sa maluwag na rules sa MPL transfers sa mga nakaraang seasons na, sa kasaaamang-palad ay lingid sa kaalaman ng publiko. Sa nakaraan, maaaring lumipat ang kahit sinong player mula MPL papuntang MDL o MDL papuntang MPL. Kailangan lamang na sumunod ang teams sa 10 player maximum rule.
Ipinako din sa sixth week ang deadline ng MPL transfers. Ibig sabihin, hindi na puwedeng magbago ng lineup ang teams sa puntong ito hanggang sa matapos ang season.
Batas sa MPL tranfers binago ng Moonton ngayong S10
Ngayong season, pinagulong na ng Moonton ang MPL- MDL transfer rules. Ito ay karugtong ng pahayag ng Moonton PR Manager na si Azwin Nugraha na eksklusibong sinabi sa ONE Esports ang importanteng detalye na iimplementa ngayong S10.
“The transfer of MDL to MPL players is a maximum of 3 per season,” ani ng Moonton executive. Walang limit ang paglipat ng MPL players papuntang MDL, ngunit kailangan ay manatili ang six player minimum slots sa developmental team.
“The team that has upgraded three players from MDL to MPL, these three players are free to go up and down MPL or MDL, but according to the transfer deadline, which is until the sixth week,” dagdag ni Nugraha.
Ibig sabihin lamang nito, kinakailangan mas maging mapagsuri ang taems sa players na iaangat nil amula MDL dahil may tatlo lamang na slots. Sa panig ng EVOS Legends, isang player na lamang ang maaari nilang iangat alinsunod sa bagong batas sa MPL transfers.
Maaari pa rin namang magpanik-panaog sina Sutsujin at DreamS sa MPL at MDL. Ngunit kung si Ferxiic at Bajan ang pag-uusapan, kailangan ng White Tigers na mamili ng maayos sa pagitan ng dalawang players dahil kakain ito ng natitira nilang slot.
Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.
BASAHIN: Kapos daw si Baloyskie ‘pag dating sa mechanics, ayon kina REKT at Antimage