Nagpasiklaban ang teams sa unang bahagi ng MPL Philippines Season 11 (MPL PH S11) hawak ang bagong-lutong istratehiya at picks. Sa first half ng regular season, nasaksihan ng mga miron ang binabangkuhan na picks ng teams sa mga bakbakang kinalahukan.

Credit: MPL Philippines

Kaalinsabay nito, napansin din ang heroes na tila ay ayaw nilang makatapat sa Land of Dawn. Sa unang report ng ONE Esports ukol sa top bans matapos ang Week 2, may ilang heroes na umangat sa listahan. Sila pa rin kaya ang bubuo sa iterasyong ito?


Ayaw makita ng teams sa mapa ang 5 heroes na ito

5. Fanny

Credit: Moonton

Panglima sa listahan ang Fanny na 34 beses na binan sa drafting phase. Kakaibang burst damage kasi ang kayang pakawalan ng hero na ito, mapa-solo man o team fight. Kaya naman ang teams na mahihilig magkumpulan kagaya na lamang ng Blacklist International ay malaki ang konsiderasyon ukol sa pag-ban ng assassin.


4. Faramis

Credit: Moonton

Patuloy na dinodomina ng macro game ang meta sa MPL PH, kaya naman isa sa mga konsiderasyon ng teams ang pagtanggal sa Faramis. Malaki kasi ang naitutulong ng mage lalo na sa sustain gamit ang kaniyang Cult Altar Ultimate na kayang magbigay ng pangalawang buhay sa teams partikular na sa mga krusyal na team fights at objective takes.

Bukod dito, makati din kasi ang magic damage na kayang pakawalan nito kapag tumama ang kaniyang Ghost Bursters, kasabay pa ng utility skill niya na Shadow Stampede. Hindi kataka-taka na 35 ulit na binan ang hero, katumbas ng 56.45% ban rate.


3. Kaja

Credit: Moonton

Gayundin ang pagtingin sa Kaja na may 74.19% ban rate (46 beses natanggal). Tipikal na nilalagay bilang roamer, matinding pick off capability ang karga ng hero. Kaya naman ang mga gumagamit nito tulad ni Tristan “Yawi” Cabrera, kayang baliktarin ang resulta ng isang laro, dahil isang gamit maaari niyang humila ng kalaban gamit ang Divine Judgement para pagpiyestahan ng kaniyang mga kakampi.


2. Joy

Credit: Moonton

Kasunod sa most banned heroes list ang Joy na tinanggal sa draft ng 54 beses para maitala ang mataas na 87.10% ban rate. Pagkatapos ang M4 World Championship, nakita ng lahat kung paano abusuhin ng Joy users ang skillset nito na walang-patid na kinukuryente ang backlines para tanggalin ang damage dealers ng kalabang team. Hindi kagulat-gulat na sa MPL PH, iniiwasang lumabas ito sa mapa.


1. Wanwan

Credit: Moonton

Matapos ang Week 4 ng MPL PH S11, Wanwan pa rin ang numero uno sa listahan ng most banned heroes sa liga ngayon. Natanggal sa draft ng 60 ulit ang marksman hero na may nakagugulat na 96.77% ban rate.

Dalawang ulit lamang nailabas ang marskman sa gumugulong na season, at parehong sa kamay ni Marco “Super Marco” Requitano ng Bren Esports nang makaharap nila ang Blacklist International. At pinatunayan ng gold laner kung bakit panay ang pag-ban sa Agile Tiger.

Binigyang-daan ng kaniyang pick ang 2-0 kontra sa defending champions matapos magtala ng 8/4/8 total KDA sa dalawang laro upang maipagpatuloy ng The Hive ang mainit nilang winstreak.


Top 5 hero bans sa first half ng MPL PH S11

HeroBansBan RateWinsWin Rate
Wanwan6096.77%2100%
Joy5489.10%450.00%
Kaja4674.19%545.45%
Faramis3556.45%746.67%
Fanny3454.84%266.67%

Mababago pa kaya ang listahan pagdating ng post-season sa MPL PH Season 11?

Sundan ang pinakahuli sa liga sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Heto ang 5 paboritong picks sa first half ng MPL PH S11 ngayon at kung bakit