Tukoy na ang playoffs bracket ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11).
Mainit na laglagan sa pagitan ng Blacklist International at Smart Omega ang bubungad sa play-ins. Susundan ito ng harapang RSG Slate Philippines at ONIC Philippines.
Ang mananalo sa tagisan ng husay nina Duane “Kelra” Pillas at Dominic “Owl” Gonzales ay makaka-abante sa playoffs para harapin ang top seed ng regular season na BREN Esports. Samantala, ang reigning world champions na ECHO naman ang susunod na makakaharap ng magtatagumpay sa pagitan nina Nathanael “Nathzz” Estrologo at Nowee “Ryota” Macasa.
- Bakit hindi kinailangan ng Bren Esports ang Estes ban kontra Blacklist?
- Coach Panda inaming hindi pa handa ang RSG Slate PH sa MPL PH S11 playoffs
Paano natupad ang BLCK vs OMG sa MPL PH Season 11 playoffs
Bilang ang third seed ng regular season, nakuha ng koponan nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ang karapatan para makapamili ng makakaharap nila sa pagitan ng fifth seed na ONIC Philippines at sixth seed na Smart Omega.
Napunta naman sila sa bracket ng BREN Esports dahil bilang ang top seed, sila ang may karapatang makapamili ng maaari nilang makaharap sa pagitan ng naturang third seed at fourth seed na RSG Slate Philippines.
Ito ang unang beses na maghaharap ang Smart Omega at Blacklist International sa naturang yugto ng turneo. ‘Di kasi tulad nina Kelra na madalas ay sumasabit sa standings para makapasok sa playoffs, ito naman ang unang beses na mapapadpad sa play-ins sina OhMyV33nus.
Season 8 pa noong huling magkaroon ng BLCK vs OMG sa playoffs ng MPL PH. Unang nagharap ang dalawang koponan sa unang round ng upper bracket kung saan nilaglag noon nina Joshua “Ch4knu” Mangilog sina OhMyV33nus sa lower bracket, pero nabawian sila nito sa lower bracket final.
Nakatakdang iraos ang muli nilang paghaharap sa unang araw ng MPL PH Season 11 playoffs. Ito ay idaraos sa SMX Convention Center simula ika-apat hanggang ikapito ng Mayo.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.