Idaraos na ang playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).
Matapos ang walang linggong regular season, muling maghaharap ang anim na koponan sa loob ng apat na araw para mapagdesisyunan kung sino nga ba ang karapat-dapat na tanghalin bilang kampeon ng pinakamalakas na rehiyon.
Ang MPL PH S10 playoffs ay gaganapin simula ika-20 hanggang sa ika-23 ng Oktubre sa Blue Leaf Cosmopolitan, Quezon City.
Format ng MPL PH S10 playoffs
Kapareho noong nakaraang season ang kasalukuyang format ng patimpalak. Magsisimula ito sa play-ins kung saan tampok ang fourth hanggang sixth seeds. Ang mananaig sa dalawang best-of-five na serye na ‘to ay makakapasok sa double-elimination playoff bracket, kung saan naghihintay ang second at top seeds.
Lahat ng laban sa playoffs ay best-of-five, maliban sa grand final na best-of-seven. Ang dalawang koponang makakapasok sa grand final ay magsisilbi rin bilang kinatawan ng Pilipinas para sa paparating na M4 World Championship.
Mga kwalipikadong koponan sa MPL PH S10 playoffs
Schedule at resulta ng MPL PH S10 playoffs
Oktubre 20 – Play-ins
LABAN | RESULTA | PANALO |
RSG vs ONIC | 3 — 0 | RSG |
BREN vs OMG | 3 — 2 | BREN |
Oktubre 21 – Upper Bracket Semfinal
LABAN | RESULTA | PANALO |
ECHO vs RSG | 3 — 1 | ECHO |
BLCK vs BREN | 3 — 2 | BLCK |
Oktubre 22 – Upper Bracket Final
LABAN | RESULTA | PANALO |
BLCK vs ECHO | 3 — 0 | BLCK |
Lower Bracket Semifinal at Final
LABAN | RESULTA | PANALO |
RSG vs BREN | 3 — 2 | RSG |
ECHO vs RSG | 3 — 1 | ECHO |
Oktubre 23 – Grand final
LABAN | RESULTA | PANALO |
BLCK vs ECHO | 4-2 | BLCK |
Saan mapapanood ang MPL PH S10 playoffs
Narito ang listahan ng mga opisyal na livestream para sa turneo:
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Pagsusuri sa malupit na stats ni OhMyV33nus, ang Regular Season MVP ng MPL PH S10