Nagsimula na ang gitgitan ng mga koponan papunta sa playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10).

Limang slots na lang kasi ang nalalabi matapos iselyo ng ONIC Philippines ang kanilang puwesto noong nakaraang linggo.

Ngayong magsisimula na ang ikalawa sa huling linggo ng regular season, narito ang kailangang gawin ng mga natitirang koponan para mapabilang sa listahan ng mga makakasabak sa MPL PH S10 playoffs.

Ang mga laban sa MPL PH S10 Week 7 at ang resulta na kailangan makamit ng mga koponan para makapasok sa playoffs

ONIC Philippines kontra Blacklist International

Paano maapektuhan ng MPL PH S10 Week 7 matches ang playoff picture
Credit: MPL Philippines

Blacklist International sana ang unang koponang makakapasok sa playoffs kung nanaig sila kontra BREN Esports noong ikalawa nilang pagkikita.

Isang map win na lang kasi ang kailangan nina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna para makalapit sa misyon nila ngayong season na bawiin ang koronang hawak-hawak ngayon ng RSG Philippines.

Nexplay EVOS kontra Smart Omega

Paano maapektuhan ng MPL PH S10 Week 7 matches ang playoff picture
Credit: ONE Esports

Hindi magiging madali ang pagdadaanan ng Nexplay EVOS para maka-ahon mula sa bottom two. Kailangan kasi nilang mawalis ang apat na natitira nilang laban para makalikom ng 20 puntos na kailangan para maka-qualify sa naturang tournament phase.

Kung sakali namang manaig ang koponan nina Patrick “E2MAX” Caidic, iyon na ang magtutuldok sa kampanya nina Jniel “YellyHaze” Bata-anon ngayong season. Maging 2-0 o 2-1 man ang resulta, makakapasok na sa playoffs ang Smart Omega.

Nakatuhog din ang magiging tagumpay ng Smart Omega sa kapalaran ng ECHO at Blacklist International, ano man ang maging resulta nila kontra ONIC PH.

Ang mga kailangan gawin ng RSG PH, BREN Esports, at TNC

Paano maapektuhan ng MPL PH S10 Week 7 matches ang playoff picture
Credit: MPL Philippines

Para sa defending MPL-PH champions na RSG PH, kailangan lang nilang manalo kontra Nexplay EVOS, ano man ang maging resulta, para makapasok sa playoffs. Nakatakdang ganapin ang kanilang harapan sa Linggo, ika-25 ng Setyembre.

Gayundin ang kailangan gawin ng BREN Esports sa parehong koponan ‘pag nagharap sila sa ika-isa ng Oktubre.

Kailangan namang mag-alab ng apoy ng TNC para makalipad sila patungong playoffs. Hindi na kasi kakayaning basta maipanalo lang nila ang mga laban nila dahil kailangan din na hindi na makapuntos ang BREN Esports at manatili sa 16 puntos ang NXPE pagkatapos ng season.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 10: Storylines, schedule, resulta, format, at saan mapapanood | ONE Esports Philippines