Nakatakdang gawaran ang mahuhusay na Mobile Legends players na nagiwan ng marka sa isa nanamang makasaysayang taon para sa MPL Philippines (MPL PH) sa itatanghal na MPL PH Press Corps Awards night sa March 8 sa Amelie Hotel sa Maynila.
Awards na igagawad ng MPL PH Press Corps
Handog kasama ang SMART, ang grupo ng mga mamamahayag na nag-uulat sa MPL PH games na nilaro noong Season 9 at 10, at mga international tournanents na MLBB: Southeast Asia Cup at M4 World Championship, ay bumoto upang parangalan ang top Filipino players na pinakanagningning para sa kani-kanilang koponan at nagpamalas ng tunay na diwa ng pagiging sportsman.
Ilan sa mga igagawad na parangal katulong ang Smart ang Coach of the Year, Rookie of the year, Match of the year at Player of the Year, kasama na ang prestihiyosong Player of Year gantimpala na ibibigay sa player na nagpakita ng pinakamahusay na performance sa kabuuan ng taon.
Samantala, makakatuwang ng MPL PH Press Corps sa entablado ang Evident para hirangin ang magiging Executive of the Year, at ang All-MPL PH Team na bubuuin ng mga pro players na nagpakitang-gilas sa kani-kanilang roles.
Paparangalan naman ng Razer Gold Sportsmanship Award ang manlalarong naging ehemplo sa kaniyang kapwa sa pagiging sportsman at propesyonal na may integridad.
Bukod dito, gagawaran din kasma ang Razer Gold ang pros na nagpamangha sa kanilang performance sa mga gumulong na torneo sa pamamagitan ng Most Improved Player at Comeback Player of the Year awards.
Ang Awards Night ang magsisilbing magandang pagwawakas sa makabuluhang 2022 para sa MPL Philippines kung saan nasaksihan ng mga miron ang RSG Philippines na makalawit ang MSC 2022 kampeoanto, ang Blacklist International na maging unang team na nakabalik sa M-World Series stage, at ang ECHO na kinuha ang titulo na pinakamagaling na koponan sa buong mundo matapos iuwi ang m4 World Championship.
Ang unang MPL PH Awards ay magsisilbi ring simula ng taunang seremonya para kilalanin ang nakamamangha at makasaysayang kaganapan sa Mobile Legends eksena sa bansa.
BASAHIN: Bennyqt hinirang na unang Razer Gold- MPL PH Press Corps Player of the Week