Patuloy ang paggulong ng kauna-unahang season ng Mobile Legends: Bang Bang Development League Philippines (MDL PH) kasabay ng ika-11 season ng kapilas nitong liga.

Kapansin-pansin ang ilang pamilyar na pangalan na naglalaro sa MDL PH Season 1, ilan na lang ay sina Kiel VJ “KielVJ” Cruzem, Michael “MP the King” Endino, Jaypee “Jaypee” Dela Cruz, at Ralph “Dudut” Adrales.

Kung tutuusin, humakbang pababa ang mga nabanggit na manlalaro lalo na’t bumida na ang nabanggit sa MPL Philippines.


Ang pangunahing layunin ng MDL PH ayon sa Moonton

Bakit pinayagan ang mga MPL players na maglaro sa MDL? Ito ang paliwanag ng Moonton
Credit: ONE Esports

Sa isang eksklusibong panayam ng ONE Esports kay Tonyo Silva, ang Senior Marketing Manager for Esports ng Moonton, inilahad niya kung ano nga ba ang pinakang adhikain sa pagkakatatag ng MDL Philippines.

“The main idea and main rationale behind it lies in the name itself of MDL na ‘development’ part. Basically, if we want to really be serious about postering talent, widening opportunities, etc., it can’t be just in the name,” aniya.

Ayon sa patakaran ng turneo, ang mga MDL player mula sa walong franchise teams ng MPL ay maaaring ma-promote sa nabanggit na mas mataas na liga. Halimbawa, si Kiel “OHEB” Soriano na substitute player ngayon ng Blacklist Academy ay maaaring i-angat sa MPL Philippines roster ng Blacklist International.

Bakit pinayagan ang mga MPL players na maglaro sa MDL? Ito ang paliwanag ng Moonton
Credit: Blacklist International

“… If they work hard if they do their job, MDL will become a platform na they can really be discovered and it’s not like they have to wait years… ‘pag nakatungtong ka sa MDL, automatic—if the opportunity is there, if they really performed well, pwede sila makatungtong sa MPL,” giit ni Silva.

Gayunpaman, limitado lang sa mga player ng bawat koponan ang pwedeng gawing promotion. Hindi pwedeng kumuha ang mga MPL teams ng manlalaro mula sa ibang MDL team, sa dalawang community teams na ZOL Esports at GameLab, maging sa mga free agent gaya nina Joshua “Ch4knu” Mangilog o Jonard “Demonkite” Caranto.



Ang plano ng Moonton para sa mga non-MPL teams sa MDL

Bakit pinayagan ang mga MPL players na maglaro sa MDL? Ito ang paliwanag ng Moonton
Credit: MDL PH

Sa ngayon, tanging ang partisipasyon lang sa MDL ang maaaring gawin ng dalawang imbitadong community teams na ZOL Esports at GameLab. Kahit kasi magkampeon sila sa turneo ay hindi sila maaaring ma-promote sa MPL.

Pero pangako ni Silva, hindi magtatagal ang ganitong patakaran. Pagpapalawak kasi ng player base ang isa sa mga pangunahing adhikain ng kauna-unahang season ng MDL, kaya’t handa silang pagandahin pa ito nang pagandahin.

“Alam namin na the rules aren’t perfect. There’s room for improvement but that’s the beauty of being in esports. We continue to strive. So season 2, we’ll definitely make changes in terms of the rules,” paliwanag niya.

Bakit pinayagan ang mga MPL players na maglaro sa MDL? Ito ang paliwanag ng Moonton
Credit: MDL Philippines

Kasalukuyang tumatakbo ang regular season ng MDL PH. Nahahati sa dalawang pangkat ang sampung koponan, pero anim lang mula sa mga ito ang makaka-abante sa playoffs.

“We hope na we expand and expand yung MDL scene kasi it’s really a good platform to hone yung talent natin. We wanna basically create a pathway that’s easier. Hopefully it will create a more competitive league,” giit ni Silva.


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MLBB 101: Ano ang Turtle sa Mobile Legends at bakit mahalagang makuha ito ng team mo?