Matindi ang naging bakbakan sa unang dalawng linggo ng MPL Philippines Season 11 (MPL PH S11) at natunghayan ng mga miron ang gilas ng bawat team gamit ang kani-kanilang strategies para makuha ang maagang makapuntos sa regular season.
Naghari ang ilang teams gamit ang paborito nilang heroes na nagpakita sa umiiral na metaplay dito sa Pilipinas. Ngunit kasabay ng mga ito, kapansin-pansin din ang ilang heroes na madalas piliing i-ban ng mga koponan.
Anu-anong heroes ang ayaw makita ng MPL PH teams sa Land of Dawn at ano kaya ang dahilan bakit ganito?
Ayaw makita ng teams sa mapa ang 5 heroes na ito
Matapos ang Week 2 ng MPL PH S11, kapansin-pansin ang dalas ng pag-ban sa Wanwan na numero uno sa listahan ng most banned heroes sa liga ngayon. Natanggal sa draft ng 31 ulit ang marksman hero na may nakagugulat na 100% ban rate.
Hero | Bans | Ban Rate | Wins | Win Rate |
Wanwan | 31 | 100% | 0 | 0% |
Joy | 28 | 90% | 1 | 33.33% |
Kaja | 25 | 81% | 2 | 66.67% |
Fanny | 18 | 58% | 2 | 100% |
Kadita | 18 | 58% | 4 | 57.14% |
1. Wanwan
Ibig sabihin lamang nito, ayaw ng mga koponan sa MPL PH na makaharap ang delikado nitong late game, bukod sa napakadulas ng hero na ito sa mapa. Kung mahahawakan ng magilas na gold laner tulad nina Benedict “Bennyqt” Gonzales at Duane “Kelra” Pillas, tiyak na mahihirapan ang sinumang team na mapigilan ito lalo na kung ma-aactivate nila ang Crossbow of Tang ultimate.
2. Joy
Kasunod sa most banned heroes list ang Joy na tinanggal sa draft ng 28 beses para maitala ang mataas na 90% ban rate. Pagkatapos ang M4 World Championship, nakita ng lahat kung paano abusuhin ng Joy users ang skillset nito na walang-patid na kinukuryente ang backlines para tanggalin ang damage dealers ng kalabang team. Hindi kagulat-gulat na sa MPL PH, iniiwasang lumabas ito sa mapa.
3. Kaja
Gayundin ang pagtingin sa Kaja na may 81% ban rate. Tipikal na nilalagay bilang roamer, matinding pick off capability ang karga ng hero. Kaya naman ang mga gumagamit nito tulad ni Tristan “Yawi” Cabrera, kayang baliktarin ang resulta ng isang laro, dahil isang gamit maaari niyang humila ng kalaban gamit ang Divine Judgement para pagpiyestahan ng kaniyang mga kakampi.
T-4. Fanny at Kadita
Tabla sa ika-apat na posisyon ang Fanny at Kadita na parehong 18 beses na binan sa drafting phase. Kakaibang burst damage kasi ang kayang pakawalan ng dalawang hero na ito, mapa-solo man o team fight. Kaya naman ang teams na mahihilig magkumpulan kagaya na lamang ng Blacklist International ay malaki ang konsiderasyon ukol sa pag-ban ng heroes.
Mababago pa kaya ang listahan pagdako ng mga susunod na linggo sa MPL PH Season 11?
Sundan ang pinakahuli sa liga sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!