Opisyal ng nagsarado ang MPL Malaysia Season 10 regular season matapos ang walong linggo na kinatampukan ng maiinit na bakbakan. Walong teams ang umangat papunta sa MPL MY S10 Playoffs kung saan kasalukuyang nagbabaga ang kumpetisyon.
Sa Group A, nanatiling dominante ang defending champion na Todak na pumako ng 9-4 record para makuha ang upper bracket slot. Samantala, bumuntot naman sa kanila ang Team HAQ na pinangunahan ng dating Orange Esports duo na sina Aiman “Mann” Anuar and Aimin “Minn” Anuar.
Bagamat malaki ang ipinagbago ng roster nila sa offseason, nanatiling matikas ang Orange Esports sa Group B na nagtala naman ng 11-3 record, na sinundan ng Homebois at RED Esports.
Sa kabilang banda, natanggal na sa kumpetisyon ang Suhaz Esports at Team Caracal na parehong nagtala ng 2-11 records. Katumbas nito, kailangan nilang manalo sa qualifiers sa susunod na season para manatili sa torneo.
Anong teams ang qualified sa MPL MY S10 Playoffs?
Group A
TEAM | RECORD | POINTS |
Todak | 9 — 4 | 26 |
Team HAQ | 8 — 5 | 23 |
RSG MY | 8 — 5 | 23 |
Team SMG | 7 — 6 | 22 |
Group B
TEAM | RECORD | POINTS |
Orange Esports | 11 — 2 | 29 |
Homebois | 7 — 6 | 21 |
RED Esports | 6 — 7 | 18 |
Team Lunatix | 5 — 8 | 14 |
Tatakbo ang MPL MY S10 playoffs mula October 13 hanggang 16. Susundan ng liga ang double-elimination format kung saan maglalaro ang mga koponan sa best-of-five matches.
Ang first at second-seeded teams mula sa bawat group ay magsisimula sa upper bracket, habang ang third at fourth-seeded teams naman ay magsisimula sa lower bracket. Parehong best-of-five series ang lalaruin sa upper at lower bracket finals. Samantala, best-of-seven naman ang masasaksihan sa grand final.
Iuuwi ng mananalo ang pinakamalaking bahagi ng US$100,000 prize pool katuwang ng paghirang bilang kinatawan ng Malaysia sa darating na M4 World Championship sa Indonesia sa Enero ng susunod na taon.
Sino ang mananaig sa MPL MY S10 playoffs?
Sundan ang pinakahuli sa MPL sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Saber roamer at Helcurt midlane, nagbigay kulay sa MPL MY S10