Ibang lebel ng Mobile Legends team play ang nasaksihan ng mga miron sa gumulong na MPL ID Season 10. Sa walong linggong bakbakan, bumida ang ilang pro players para sa kani-kanilang teams na makikitang maigi kung pagmamasdan ang kanilang individual stats.

Sa assists department, naghari ang RRQ Hoshi roamer na si Calvin “Vyn” na nagtala ng sandamukal na 248 assists ayon sa pinakahuling bilang sa MPL ID. Sinundan lamang siya ng Bigetron Alpha roamer na si Hengky “Kyy” Kurniawan na pumuntos naman ng 222 assists.


Assist leaders sa MPL ID Season 10 regular season

Credit: ONE Esports
RANKNAMEASSISTSGAMESASSIST PER GAME
1Vyn248327.75
2Kyy222356.34
3Facehugger219375.91
4Baloyskie218366.05
5Godiva214375.78

Baloyskie pasok sa top 5 ng assist leaders sa MPL ID Season 10

Credit: ONE Esports

Isa sa mga pinakakapansin-pansin na pangalan sa top 5 assists leaders ang Pinoy roamer na si Allen “Baloyskie” Baloy. Nagtala si Baloyskie ng 218 total assists sa 36 games na nilaro, sapat para hirangin siya bilang top 4 sa liga.

Bagamat bigo ang kaniyang Geek Fam ID na makaselyo ng playoff spot ngayong season ay kapansin-pansin na iba ang dating ng koponan sa tulong ng dating ONIC PH superstar. Pruweba ang kanilang tikas sa mga huli nilang laban para buhayin ang kanilang playoff hopes sa huling dalawang linggo ng regular season.

Credit: Facehugger

Bukod kay Baloy, tampok din si Usep “Facehugger” Satiawan na nag-iisang midlaner sa listahang ito. Sa ligang dinodomina ng killer midlaners, si Facehugger ang mapapansin na nagsusumikap na kumuha ng assists para sa kaniyang team.

Mas ginawa itong kapansin-pansin dahil ang kaniyang parter-in-crime na si Erico “Godiva”, ang roamer ng Aura Fire, ay kasama din sa listahan ng assist leaders.

Ito ay pagsasalin sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Eksklusibo: Duckey ipinaliwanag kung bakit hindi nakapasok ang EVOS Legends sa MPL ID playoffs