Dumaan na ang unang linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 11 tampok ang siyam na umaatikabong serye.
Mula sa mga bakbakang ito, makikita ang kasalukuyang meta ng liga. Naglalaban sa torneo ang ilan sa pinakamahuhusay na manlalaro, kaya natural lang na magpakita sila ng magandag pagbabasehan ng meta heroes.
Pero ang nakapukaw ng atensyon ay ang ‘di inaasahang paglabas ng ilang mga karakter. Sinu-sino ang mga sorpresang heroes na lumitaw sa MPL ID Season 11 Week 1?
Ang mga ‘di inasahang heroes sa MPL ID Season 11 Week 1
Terizla
Lumabas ang fighter hero na ito sa laban ng EVOS Legends at Alter Ego noong Day 3.
Nagawang i-maximize ni EVOS EXP laner Rizqi “Saykots” Iskandar ang potensyal ni Terizla kahit pa madalas itong napupuna dahil sa mabagal na rotation.
Gayunpaman, ipinamalas ni Saykots kung paano ito gamitin nang tama. Laging hinihintay ng IESF gold medalist ang kanyang mga kakampi na mag-initiate habang naghahanap ng tamang posisyon at pagkakataon na umatake mula sa likod.
Hanzo
Ang ninja mula sa Shadow Sect ay lumabas sa closing match ng unang linggo ng MPL ID S11. Napagpasyahan ng Bigetron Alpha na isama ang Hanzo sa kanilang draft kontra Aura Fire sa Game 1.
Sa kasamaang palad, ‘di gumana ang kanilang cheese pick. Kahit pa nagpakita ito ng potensyal sa early game, unti-unting nawala ang lakas nito sa paglipas ng laro.
Kaya naman bigo ang Bigetron na pigilan ang pagliyab ng Aura sa late game at kinailangang isuko ang unang laro.
Hanabi
Bigetron muli ang koponan na kumuha ng kakaibang hero sa kanilang draft, at sa pagkakataong ito ay Hanabi naman na ginamit nila laban sa RRQ. Bagamat natalo sa dalawang laro, nagpamalas pa rin ng mataas ng potensyal ang naturang marksman hero.
May dalawang magkaibang opinyon patungkol sa hero. Para kay BTR coach Ronaldo “Aldo” Lieberth, sulit naman ang pag-pick sa Hanabi at ibinunyag pa nga na hindi sila natalo sa scrim gamit ang hero.
Sa kabilang banda, kabaligtaran naman ang punto ni MPL ID S11 Week 1 MVP Jabran “Branz” Wiloko. Sinabi ng EVOS Legends gold laner na si Hanabi ang pinakamahinang hero ngayon sa Land of Dawn.
Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Pagsasalin ito ng katha ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indonesia.