Samu’t-saring mga pigura sa MPL ID eksena ang nagpakita ng kanilang suporta sa mga teams na nagtapat sa dumaos na MPL ID Season 10 playoffs. Kasama dito ang mga maririlag na brand ambassadors, MLBB streamers at fans na dumagdag sa hype ng inantabayanang bahagi ng season.

Hindi sikreto ng parte ng entertainment sa Mobile Legends ang mga nagsisigandahang athletes, streamers at influencers kung kaya’t patuloy na lumalawak ang laro. Ngunit huwag magkakamali na hitsura lamang ang dala nila sa laro.

Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga binibining ito sa kani-kanilang mga larangan, tulad na lamang ni Vior na professional athlete ng ONIC Esports na isa sa mga inspirasyon ng female athletes sa bansa.

Kaya naman kahit pa sa live broadcast ng torneo ay hindi kinakalimutan ng mga tao sa likod ng kamera na bigyan ng spotlight ang mga binibining ito.


Nagsisigandahang binibini na nakilahok sa MPL ID S10 playoff hype

Nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na humirit sa mga anghel na ito para kuhanan sila ng kanilang portraits. Bagamat hindi maisasama dito ang lahat ng nakuhanan ay ito ang ilan sa mga litrato:

Ito ay hinango mula sa gawa ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Ito ang dahilan kung bakit naiyak si Kairi matapos makuha ang kampeonato sa MPL ID S10