Sa hindi malayong hinaharap, plano ng Moonton na ilabas ang Moskov revamp sa Land of Dawn sa pamamagitan ng pinakabagong MLBB patch. Ayon sa mga leaks na umiikot, ang pagbabagong ito na ibinigay sa marksman ay nagpapahintulot sa kanya na mag-teleport kahit saan!

Sa kasalukuyang meta, si Moskov ay isa sa mga top picked marksman bilang isang goldlaner, parehong sa ranked at competitive scene. Sa unang tatlong linggo ng Mobile Legends Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11), napili siya nang 7  beses at 2 dito ay nanalo.

Credit: Moonton

Ang Spear of Quiescence ay itinuturing na kapantay ng ilan pang mainstay marksmen gaya nina Claude, Karrie, Melissa, Beatrix, at Brody, bagama’t lahat sila ay nasa ilalim pa rin ni Wanwan bilang priority.

Gayunpaman, ang planong Moskov revamp mula sa Moonton, na malapit nang ilabas, ay magiging overpowered. Ang dahilan, ang ika-31 na MLBB hero ay makakakuha ng karagdagang ability mula sa kanyang ultimate skill na mag-teleport o lumipat saan man niya gusto.

Mga detalye ng Moskov revamp

Moskov Revamp posibleng ilabas sa susunod na MLBB patch
Credit: Moonton

Sa pamamagitan ng ilang video mula sa MLBB content creators na sumusubok sa mga resulta ng Moskov revamp gamit ang Advance Server, ang bagong teleport ability na ibibigay sa kanya ay sa pamamagitan ng kanyang Ultimate skill na Spear of Destruction.

Sa isang Youtube video sa channel ni EriXus noong March 3, ipinakita ito. Kapag ang revamped na Moskov ay nagtagumpay sa pagtama sa target gamit ang Spear of Destruction, maaaring pindutin muli ng player ang ability upang lumipat ng lugar papunta sa hero na tinamaan ng ultimate.



Para sa mga players bihirang gumamit ng Moskov, tiyak na hindi madaling gawin ang pagtama ng mga target gamit ang Spear of Destruction. Ngunit para sa mga matagal nang naging mainstay ang hero na ‘to, tiyak na mapangiti sila sa pagbabagong ito.

Ang isa pang kalamangan sa teleport ability na ‘to ay kahit nasa malayong lane si Moskov ay maaari siyang biglang sumali sa gitna ng isang team fight nang mabilis at tulungan ang kanyang team na magbigay damage sa mga kalaban, bagama’t may panganib pa rin itong kasama dahil maaari siyang mag-spawn sa isang delikadong pagkakataon o posisyon.

Bukod sa lahat, tiyak na mai-spoil nito ang mga Moskov users. Hindi imposible na kapag inilabas ang Moskov revamp, ang MLBB hero na ito ay makakaranas ng auto-ban sa rank at competitive.

Samantala, para sa iba pang dalawang active skills ni Moskov, ang Abyss Walker at Spear of Misery, walang mga pagbabagong naganap. Ang paggamit at mga epekto ay mananatiling tulad ng sa kasalukuyan. Mayroon lamang iba pang mga karagdagan sa animation ng hero na ito sa kanyang recall.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.