Noon pa man ay isa na si Moskov sa mga pinaka-viable na marksman hero sa kabila ng maraming pagbabago sa meta mapa-ranked man o competitive scene..
Ang kanyang damage output, na sinamahan pa ng kanyang hindi matawarang attack speed, ay talaga namang makkapagbaligtad ng mga crucial na team fights. Bukod dito, madali siyang gamitin at hindi nangangailangan ng mataas na mechanical skills, hindi tulad ng mga heroes gaya nina Granger o Beatrix.
Dahil sa katamtamang skill requirement, mas makakapag-focus ang mga players sa iba pang elements ng game, tulad ng pagkuha ng objectives at tamang pagposisyon pagdating sa mga team fights.
Ito ang ipinakita ni Smart Omega gold laner na si Duane “Kelra” Pillas nang makaharap nila ang TNC Pro Team sa ikaapat na linggo ng MPL Philippines Season 11.
Maniac comeback ni Kelra gamit ang Moskov
Dahil na-ban sina Wanwan at Beatrix sa drafting phase, at kinuha ng TNC si Melissa, inilabas ng Filipino Savage ang kanyang Moskov para sa ikalawang laro ng serye.
Mukhang sigurado na ang panalo ng TNC na may 14-7 kill lead, na naglagay sa Omega sa higit sa 7K gold deficit. Kasama ang Lord na sumugod sa base ng Omega, pinabagsak ng phoenix squad ang dalawa sa mga inhibitor turrets ng barangay.
Dahil alam nilang nasa kanila ang kalamangan, nag-initiate ang TNC ng team fight. Ngunit si Kelra, na armado ng Spear of Quiescence, ay matagumpay na isa-isang pinitas ang mga kalaban, na nagresulta sa isang Maniac.
Pagkatapos ay pinangunahan niya ang kanyang koponan na magmartsa patungo sa base ng TNC upang patayin ang huling natitirang kalaban, kunin ang game, at tapusin ang serye sa score na 2-0.
Ang game awareness at mastery ni Kelra sa gamit niyang hero ay nagbigay-daan sa kanya na iposisyon nang napakaganda ang kanyang sarili upang ipanalo ang laban para sa kanyang koponan. Hindi nakakagulat na tinawag siyang gold standard ng gold laners.
Kelra ibinahagi ang kanyang Moskov build
• Corrosion Scythe
• Golden Staff
• Swift Boots
• Demon Hunter Sword
• Hangin ng Kalikasan
• Athena’s Shield / Haas Claw
Ayon kay Kelra, ang huling item ay depende sa hero composition ng kalaban. Kung mayroon silang malakas na magic damage, kelangang magbuo ng Athena’s Shield, kung hindi naman, kunin ang Haas’s Claw para sa karagdagang physical damage at life steal.
Para sa kanyang battle spell, gumamit siya ng Inspire. Gumamit din nsya ang Marksman Emblem na nakatuon sa Bravery at Agility, kasama ang Electro Flash bilang talent.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.