“Simplicity is the keynote of all true elegance,” ito ang sinabi ni Coco Chanel, ang founder ng kilalang high fashion brand.

Sa pagkuha ng kapangyarihan mula sa buwan, ang konsepto ng Moonblade Benedetta ang kumakatawan sa kasabihang ito.

Pagkatapos ng Honor Blade, punk streetwear skin Street Blow, at ng demon-themed Death Oath collector skin, narito na ang Moonblade Benedetta, ang pinakasimple at pinakaeleganteng skin para sa deadly assassin.

Pang-apat sa kanyang collection, ang kanyang buhok, baluti, at mga sandata ay kinulayan ng iba’t-ibang tones ng midnight blue na pinaganda ng mga gray at off-white highlights.

Preview ng Moonblade Benedetta skin at mga skill effects

Moonblade Benedetta skin preview
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang trademark ni Benedetta na X-Men Rogue streak ay mas nangingibabaw sa skin na ito, dahil ang itim niyang buhok ay kinulayan ng navy, at ang streak ay Arctic Blue. Pareho nito ang kulay ng kanyang corset, na simpleng humuhulma sa husgi ng kanyang katawan.

Ang katangi-tanging baluti sa kanyang kaliwang balikat ay nakadantay sa kanyang signature high collar cropped cape ay sumasalamin sa kulay ng isang waning moon at bumabagay sa kabuuan ng kanyang kasuotan.

Moonblade Benedetta skin An Eye For An Eye Skill Effect
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang lahat nang skill effects ni Benedetta sa skin na ito ay kinulayan ng soft midnight blue na nagmumukhang umiilaw dahil sa kulay ng Land of Dawn.

Bawat pag-atake na kanyang ginagawa gamit ang kanyang basic attack, Phantom Slash, An Eye For An Eye, o Alecto: Final Blow ay naglalabas ng bluish white na ilaw na nagbibigay ng pakiramdam na may hiniwa ka talaga gamit ang matalim na blade.

Moonblade Benedetta skin Alecto Skill Effect
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Abangan ang nalalapit na paglabas ng Moonblade Benedetta sa in-game store.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.