Isa ang ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022) sa pinakamalaking international MLBB tournament, kung saan tampok ang pinakamagagaling na koponan mula sa Southeast Asia para paglabanan ang pinakamalaking bahagi ng US$100,000 na prize pool.

20 MPL teams mula sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, at Cambodia ang imbitado sa turneo. Gayunpaman, giit ni North American MLBB player na si Michael “MobaZane” Cosgun na mas marami pa dapat ang imbitado.

Sa kanyang livestream noong ika-28 ng Oktubre, may sinabi ang 20-taong-gulang na jungler tungkol sa gumugulong na MPLI. Giit niya, dapat man lang daw ay imbitado sila.

Imbitado raw dapat ang North America sa MPLI 2022, ani MobaZane

Gusto raw sana ni MobaZane na maglaro sa MPLI 2022
Credit: Mobile Legends Esports

Nagsimula ang usapan nang may viewer na nagtanong tungkol sa kanyang palagay sa tumatakbong turneo.

“I haven’t seen the rosters,” sagot ni MobaZane. “Is it just the top two of each MPL?”

Nang may magsabing 20 MPL teams ang imbitado, nagulat siya at sinabing dapat kasama sila sa listahan na ‘yon.

“North America is not one of them. That’s disgusting, actually,” aniya. “I mean even if we don’t have an MPL, I think they should’ve still invited us.”

Gayunpaman, babandera pa rin sina MobaZane sa global stage sa mga susunod na buwan. Ang bago niya kasing koponan na The Valley ay nakaselyo ng slot sa M4 World Championship matapos pangibabawan ang NACT Fall Season – Patch to M4 tournament grand final.

Binubuo ng mga dating BloodThirstyKings members na sina Ian “FwydChckn” Hohl, SHARK, content creator at pro player na si Seonghun “Hoon” Jang, at dating MPL PH player na si Peter Bryce “Basic” Lozano.

Gusto raw sana ni MobaZane na maglaro sa MPLI 2022
Credit: Mobile Legends Esports

Ito ang ikalawang pagkakataon na bibida si MobaZane sa isang M-series tournament. Noong nakaraang taon, ang dati niyang koponan na BTK ay gumawa ng kasaysayan bilang ang unang non-MPL squad na nakapagtala ng podium finish sa M-Series matapos nilang kunin ang ikatlong puwesto.

Sa playoffs, in-upset nila ang Blacklist International sa unang round ng upper bracket, 3-2, maging ang two-time MPL SG champion na EVOS SG, 3-1, sa semifinal.

Winalis sila ng ONIC PH sa upper bracket final, saka in-eliminate ng Blacklist sa kanilang rematch sa lower bracket final.

Mapapanood ang buong stream ni MobaZane dito:



Nagpapatuloy naman ang MPLI 2022. Maaaring subaybayan ang mga laban sa opisyal na FacebookTikTokTwitchTwitter, at YouTube ng ONE Esports.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Cikugais at Todak inapula ang Aura Fire sa MPLI 2022 matapos gumawa ng malaking comeback