Si Michael “MobaZane” Cosgun ay ang mukha ng North American Mobile Legends: Bang Bang, na nagpapataas ng lebel ng eksena at komunidad na may masugid at tapat na following.
Nagkamit ng katanyagan si MobaZane matapos niyang pangunahan ang BTK sa ikatlong puwesto sa M3 World Championship, ang unang non-MPL team na umabot sa podium sa isang M-series. Pagkatapos ay bumalik siya sa M4 World Championship isang taon nakalipas kasama ang bagong koponan, ang The Valley, kung saan nagtapos sila sa ika-5-6 na puwesto.
Ang tagumpay na ito, gayunpaman, ay maaaring hindi posible kung wala ang tulong ng pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.
Paano hinulma si MobaZane ng kanyang ina upang maging mas mabuting tao
Inilabas ng Moonton ang isang dokumentaryo na tinatawag na “MobaZane Story,” na itinampok ang Mobile Legends: Bang Bang pro player at ang kanyang inang si Joanna, na naglahad ng kanilang kwento noong sila’y nagsisimula pa lang.
“He was very quiet when he was young and he was also sweet,” sabi ni Joanna patungol kay MobaZane.
Ipinanganak sa isang sambahayan na may nag-iisang magulang kasama ang kanyang kapatid na si Scott, nakita ni MobaZane ang mga paghihirap na hinarap ng kanyang ina sa pagpapalaki ng dalawang anak na lalaki.
“I remember that we wouldn’t really have a lot of money growing up, and I’m sure that’s because she was just a single parent with no help whatsoever,” sabi ng pro player.
Noong una ay nag-aalinlangan siya tungkol sa mga pangarap ni Zane sa esports, tulad ng ginagawa ng karamihan sa mga magulang. Gayunpaman, matapos siyang samahan sa ilang mga international esportstournaments at masaksihan ang malawak na saklaw ng industriya, nagkaroon ng pagbabago sa pananaw ni Joanna at naging suportado niya ang anak.
“After going to Brazil, we went to Australia,” kwento niya. “I could see what was happening then.”
Si Zane ay kilala sa komunidad ng MLBB esports ngayon, ngunit nararamdaman pa rin niya na marami pang dapat gawin.
“When people think about Mobile Legends: Bang Bang, I want to be one of the first names that pop into mind for esports,” sabi niya. “And winning a few world championship titles to me, that’s the best feeling in the world.”
Maaari mapanood ang buong dokumentaryo sa ibaba.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.