Mataas ang kumpyansang ipinakita ng jungler ng The Valley na si Michael “MobaZane” Cosgun matapos makumpleto ang group stage draw ng Moonton para sa M4 World Championship.

Nakumpleto ang group stage draw ngayong Thursday, December 8. Nalaman agad ng 16 teams na magklalaban-laban sa ikaapat na MLBB world championship ang mga makakasagupa nilang koponan.

Base sa resulta ng group stage draw, napunta ang The Valley sa Group D kasama ang Team HAQ, RRQ Akira, at S11 Gaming Argetnina. Malaki ang tournament na ito, ngunit sa tingin ni MobaZane ay magiging madali ang kanilang group para sa kanyang team.

M4 Group Draw Teams
Credit: Moonton

Nanggaling ito mismo sa bibig ng jungler pagkatapos ng group draw. Nang tanungin siya ng host na si Mara Aquino tungkol sa pagiging mahigpit ng laban na magaganap sa Group D ay kinontra niya ito.

“Honestly that’s not the case (it’s going to be a tough group). I think we will really have a very easy journey in the group phase,” sabi niya.

M4 Group Draw MobasZane
Credit: Moonton

Marami ang nabigla sa mga katagang ito ng dating BTK player, lalo na’t naroon din ang ibang mga teams. Ngunit sa kabilang banda ay ipnapakita nito kung gaano kalaki ang tiwala niya sa kanyang team.

Team HAQ lang daw ang magiging harang sa Group D ayon kay MobaZane

MPL MY Team HAQ
Credit: MPL Malaysia

Sa kabila ng mataas na kumpyansa, inamin pa rin ng jungler ng The Valley na magkakaroon ng katapat ang The Valley sa Group D. Ito ay dahil kabilang sa group ang kampeon ng MPL Malaysia, na isa sa mga pinakamalaking MLBB regions sa mundo, ang Team HAQ.

Naniniwala ang North American player na tanging ang Team HAQ lang ang makakapigil sa The Valley upang tuluyang magdomina sa Group D. Tungkol naman sa pagharap sa RRQ Akira at S11 Gaming Argentina, naniniwala siyang mananalo ang kanyang team.

“Maybe only Team HAQ will give us a challenge because they are a champion team from Malaysia. I think maybe there will be a challenge, but the other two teams I’m not too sure about,” sabi ng dating BTK player.

“Maybe they have to prove me wrong, but I honestly think this group phase will be pretty easy for The Valley,” sabi niya.

MobaZane
Credit: MPL

Sa madaling salita, tiwala siya na magtatapos ang The Valley sa top two ng final standings ng Group D. Nangangahulugan na ang natatanging North American representative ay mapupunta sa upper bracket ng playoffs.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.