Mukhang hindi pa patapos ang Group Stage ng M4 World Championship. Sa kasalukuyan, ang (4/1) Group C at D ay maglalaro ng kani-kanilang huling match.
Bilang kinatawan ng Latin America (LATAM) region na minsan nang nanalo sa MLSL S1 championship, hindi pa nagpapakita ang S11 Gaming ARG ng kanilang lakas. Bago pa lumahok sa M4, iilan sa mga players mula sa S11 Gaming ARG ay sumali sa IESF championship sa Bali.
Ang kanilang unang match laban sa The Valley ay hindi naging matagumpay matapos matalo si Papadog cs at kinailangan nilang ayusin ang kanilang mga pagkakamali sa susunod na match.
Ang mga haharapin nilang kalaban ay hindi rin magiging madali, tulad ng RRQ Akira at Team HAQ, mga MPL champions sa Brazil at Malaysia. Maliban kay Papadog cs na lumahok sa world-class MLBB competitions, ang kakaiba sa S11 Gaming Argentina ay ang kanilang mga female trainers.
Oo, sila ay inensayo ng isang babaeng coach na si Barbara “Secretaria” Gottardo, ang babaeng unang nagtayo ng kaniyang coaching career mula sa competitive scene ng Brazilian MPL.
Naging coach si Secretaria para sa Cyber Esports team sa nakaraang MPL BR Season 2 kung saan nanalo ang RRQ Akira. Pagkatapos ay lumipat siya sa Latin American region ang nag-coach ng S11 Gaming Argentina.
Ang kaniyang karanasan ay hindi dapat minamaliit, dahil nag-coach na siya sa MLBB scene simula pa noong nasa komunidad na siya ng amateur scene hanggang ngayon na 3-4 na taon na ang kaniyang career.
“I’ve been training in the competitive MLBB scene for 3 years or even almost 4 years. It took me a long time to leave the amateur scene at that time. I was offered the opportunity by an old friend who is coaching a team to compete in the Voxx Cup (Chris’s Shang Championship) I need someone who can help the team train from day to day,” sabi niya.
“From there, I developed my curiosity and knowledge into something that was quite challenging for me. Slowly I started to build my skills as a coach and think about various strategies,” sinabi niya sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports.
Ibinahagi rin niya ang mga iba’t-ibang karanasan niya sa coaching sa competitive Brazilian scene at ang kaniyang pangarap para sa S11 Gaming Argentina sa M4 World Championship.
Mga pangarap ng S11 Gaming Argentina coach para sa kaniyang team sa M4 World Championship
Pinatuloy ni Secretaria ang kaniyang kwento tungkol sa competitive MLBB scene sa Brazil. Ayon sa kaniya, kaunti lamang ang mga coaches doon.
“For the competitive MLBB scene in Brazil, the number of coaches is still small (rare). I feel happy to be able to pursue this profession,” sabi niya.
Hindi niya malilimutan ang kaniyang pangarap na sana bilang isang bagong rehiyon sa competitive MLBB scene, ang Brazil at Latin America ay kayaning makisabay sa mga development sa SEA region.
“Currently we hope that the scenario for the competitive MLBB Latin America (LATAM) scene has a 50% chance to offset the number of coaches and players in Asia (SEA),” sabi ni Secretaria.
Nag-debut sa M4 World Championship ngayong taon, may importanteng misyon ang S11 Gaming Argentina na ipakita ang kanilang lakas sa world-class competition ng MLBB scene sa M-series.
“S11 Gaming Argentina’s target at M4 is to look for the best results to show a big difference that LATAM regional representatives can make both in terms of potential and quality. As a training ground with the best teams in the world, we also hope to be more consistent for the next world championship (M-Series),” sabi ni Secretaria.
Maliban sa kanilang target bilang isang team, bilang coach, may personal na target din si Secretaria na mag-grow bilang best coach sa mga kapwa niya trainers.
“As an example (a female trainer) I hope to overcome all obstacles and doubts and create a new comfort zone amidst the discomfort (negative stigma). I will try to be the best coach among the best.”
“I will continue to improve on all the limitations that I have and entrust myself to continue to improve from mistake to mistake,” sabi niya.
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB at M4 World Championship.