Hindi sinubukang itago ng Mobile Legends: Bang Bang personality na si Frederick “Mirko” Loho ang kanyang paghanga kay Allen “Baloyskie” Baloy ng Geek Fam ID matapos ang naging kampanya nila sa ONE Esports MLBB Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022).

Kamakailan ay nauwi sa ikalawang puwesto ang naging kamapnya ng Geek Fam ID sa naturang turneo. Kinilala sila bilang ang dark horse ng kompetisyon matapos ilaglag ang mga pambato ng Pilipinas na Blacklist International at RSG Philippines, at bigyan ng magandang laban ang ONIC Esports sa grand final.

Kaya naman sa isang episode ng SarCAST, na mapapanood sa opisyal niyang YouTube channel, ipinabatid ni Mirko ang kanyang pagkamangha sa Filipino roamer, lalo na noong nalaman niya ang ginagawa nito para sa Geek Fam ID.

Mirko: ‘Geek Fam is basically Baloy’

Mirko hangang-hanga sa kung paano pamunuan ni Baloyskie ang Geek Fam ID
Credit: ONE Esports

Habang pinag-uusapan kung paano ginulat ng Geek Fam ID ang buong komunidad sa naging kampanya nila noong MPLI 2022, binalikan ni Mirko ang kwento ni Mohammad “Caderaa” Pambudi, tungkol sa papel ni Baloyskie sa kanilang koponan.

“Caderaa actually mentioned that, starting from the second leg, all the drafts are handled by Baloy, 100-percent,” kwento niya. “So Baloy is a coach, he’s a player, he’s a captain.”

(Nabanggit ni Caderaa na, simula sa second leg, lahat ng draft nila ay hawak ni Baloy, 100 porsyento. Si Baloy ay isang coach, manlalaro, at kapitan.)

Mirko hangang-hanga sa kung paano pamunuan ni Baloyskie ang Geek Fam ID
Credit: YouTube/Mirko

“They started getting a lot of success in second leg, right? That’s when Baloy actually took the helms as that drafter role,” paliwanag ni Mirko. “Baloy is insane! Props to Baloy, I want to give massive props to Baloy for that.”

(Nagsimula ang kanilang tagumpay noong ikalawang leg [ng MPL Indonesia Season 10], diba? Noon na pinamunuan ni Baloy ang role bilang drafter. Grabe si Baloy! Saludo ako sa kanya, saludo ako kay Baloy dahil doon.)

Sa kabila ng kanyang paghanga, inalala pa rin ni Mirko kung paano ito maaaring makasama kay Baloyskie. Sa dami kasi ng kanyang responsibilidad, hindi malabong ma-burn out ang manlalaro, at maka-apekto sa mekanikal na aspeto ng kanyang laro.

Mirko hangang-hanga sa kung paano pamunuan ni Baloyskie ang Geek Fam ID
Credit: ONE Esports

Gayunpaman, idiniin pa rin ni Mirko kung paano hinulma ng dating ONIC Philippines player ang bago niyang koponan:

“Geek Fam is basically Baloy—Baloys’s team.”

(Ang Geek Fam, kung tutuusin, ay si Baloy—ang koponan ni Baloy.)

Mapapanood ang kumpletong episode ng SarCAST dito:



Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: May paalala si Coach BON CHAN sa nagsasabing hindi raw sineryoso ng Blacklist International ang MPLI 2022