Nanumbalik sa dating karakter ang Todak ng paganahin nila ang midlane Minotaur sa una nilang laban sa upper bracket kontra Homebois sa gumulong na MPL Malaysia Season 10 playoffs.

Bagamat inasahan na ng mga miron ang cheesepicks kung saan nakilala ang defending champions, nagulantang pa rin sila ng isalang ng team ang tank hero sa midlane, na maalalang nauna nang pinagana ng ibang teams sa roamer o di kaya naman ay jungler roles.

Katuwang ng midlane Minotaur na hinawakan ni Ciku, pinuwesto ng koponan ang Gusion sa jungle at Chou sa roam position. Para gawing balansado ang lineup ay Claude at Dyrroth naman ang tumao sa magkabilang sidelanes.


Homebois ginambala ng midlane Minotaur ni Ciku

Credit: ONE Esports

Naging malaking balakid ang presensya ng midlane Minotaur ni Ciku sa Homebois na lumiit ang galaw sa mapa dahil sa crowd control na dala ng hero. Walang nagawa ang Ling, Benedetta, Khufra, Brody at Valentina ng kalabang team sa brilyanteng pick ng S9 champions.

Kung iisipin, malaki rin kasi ang banta ng Claude ng Todak na maaaring pihitin ang kaniyang BMI + Blazing Duet sa mga heroes na nahawakan ng tank hero, kung kaya’t bawat pagkakataon na susubok ang Homebois na mag-initatiate ay kabado sila sa kanilang posisyon.

Sa katunayan, halos lahat ng tangka ng Homebois ay napurnada ng Minotaur ni Ciku, na mas binigyan ng kamandag ng kanilang roam Chou na siya namang pipitas ng key hero sa mula sa kalaban. Dahil dito, walang naging problema ang cores ng Todak na patuloy na nag-farm papunta sa kanilang key items.


Bakit ba naging epektibo ang midlane Minotaur?

Credit: Moonton

Sa midlane matchup kontra Valentina ay nanaig din si Ciku dahil sa kunat at sustain ng kaniyang cheese pick. Madaling nakuha ng Todak ang tagumpay sa naturang laban, at hinirang na MVP ang beterano dahil dito.

Early game sustain at tankiness ang dala ng Minotuar kung kaya’t hirap ang sinumang hero na katapat sa pagpugo sa karakter. Kung susumahin, Hylos lamang ang makakatalo sa Son of Minos sa usaping HP sa simula ng laro. Kaya naman, malaki ang kalamangan niya kontra sa Valentina lalo na ng Samahan siya ng Chou sa lane.

Bukod sa sustain, malaki ring bahagi kung bakit napagana ni Ciku ang midlane Minotaur ay ang pressure na nagawa niyang ibigay sa rotation ng kalaban. Kapag online ang Minoan Fury, kayang-kaya niyang  putulin ang anumang initation para pagulungin ang counter-attack ng kaniyang team.

Credit: MSC 2022

Gayunpaman, hindi ibig sabihin na two-roamer approach ang isinalang ng Todak sa laro kontra Homebois. Hindi naman kasi bumuli si Ciku ng roam boots, bukod sa nagpatuloy pa rin siya mag-clear ng minion waves.

Ang presensya ng Claude, Gusion at Dyrroth bilang damage dealers ang nagibgay ng go signal para kay Ciku na buksan ang mga engkwentro at tuluyang makalamang sa laro.

Para sa iba pang hero guides, subaybayan lamang ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: MPL MY Season 10: Schedule, resulta, format, saan mapapanood