Sa M4 World Championship, masasabing hindi ang S11 Gaming Argentina ang pinakamahusay na team ng tournament. Gayunpaman, tumungtong sa ikaapat na MLBB world championship ang koponan ni Diego “Jotun” Balog na may bitbit na sigasig at mataas na mithiin.
Kabilang ang S11 Gaming sa Group D kasama ang Team HAQ, RRQ Akira, at The Valley. Hindi man ito ang pinakadelikadong grupo, ngunit hindi pa rin naging sapat ang kanilang husay upang makuha ang top seed.
Ngunit sa mundo ng palakasan at gaming, walang imposibleng mangyari. Ang lahat ay nakasalalay sa kanilang kakayahan, paghahanda, at kung gaano kahusay nilang pinag-isipan ang bawat laban upang manalo.
Sa tatlong games na nilaro nila sa Group D, isang panalo lang ang nagawa ng S11 Gaming laban sa RRQ Akira. Habang kinailangan naman nilang tanggapin ang kanilang pagkatalo sa kamay ng The Valley at Team HAQ.
Gayunpaman, ang tagumpay ng S11 Gaming laban sa RRQ Akira ay isang hindi pangkaraniwang tagumpay. Nagawa ni Jotun at ng kanyang koponan na wakasan ang magandang performance ng Brazilian team, gayundin ang pagtatapos ng 33-win streak ni Luis “Luiizz” Alves at ng kanyang koponan laban sa mga teams mula sa South America.
May impluwensya ni Messi ang S11 Gaming Argentina sa M4
Pagkatapos ng game laban sa RRQ Akira, sinubukan ng ONE Esports na kunin ang pahayag ang S11 Gaming tungkol sa kanilang motibasyon at target sa M4. At tulad ng inaasahan, nakatutok sila sa pinakamataas na target sa tournament na ‘to.
Humigit kumulang, ang motibasyon na ito ay dulot ng impluwensya ng tagumpay ng national football team ng Argentina na nanalo sa Qatar 2022 World Cup noong nakaraan. Hindi man kasing-paborito ng national football team sa kanilang bansa, sapat na ito upang maging inspirasyon nila upang makapag-excel sa world stage.
“As Argentines, of course we are proud of the achievements of our national football team who managed to become World Cup champions. As children, we followed footballers like Maradona and Messi on how they went about their careers to become idols,” sabi ng S11 Gaming midlaner na si Martias “Kaii” Roldan sa ONE Esports.
“As young people, we believe we can follow our dream of becoming world champions (in MLBB). Why not? We came here to realize the dream of being the best,” sabi niya.
Ang klase ng mentalidad na ito ang kinakailangan ng bawat team, maging dark horse o underdog man sa isang tournament. Ito ay dahil ang motibasyon at mataas na fighting spirit ay nakakadagdag sa kakayahang maglaro mapa-traditional sports man o esports.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.