Heto ang isang mabilisang guide sa Gold Lane Melissa, ang meta marksman na nananaig sa Gold Lane ngayon.
Mabilisang guide kay Melissa sa bawat phase ng laro
Sa Early Game, unahing palakasin ang Second Skill upang makapang-harass sa laning stage. Ito ang kailangan mong gamitin upang manalo sa lane. Pinakamalakas si Melissa kapag lumalamang sa laning stage.
Sa Mid Game, madaling makasama si Melissa sa mga teamfights dahil na rin maagang power spike nito dahil sa mala-AoE na damage output. Patamain sa maraming heroes ang Second Skill upang makapag-damage kahit pa nasa likuran ng iyong team formation.
Sa Late Game, nagfo-focus si Melissa sa paghanap ng tamang pwesto at timing upang mataas ang maging impact sa laban gamit ang Ultimate at Second Skill.
Ugaliing tignan at alamin ang tamang timing ng Wind-of-Nature. Kung sakaling Claude at Wanwan ang kalaban, maaring unahin ang Wind-of-Nature kaysa ang Scarlet Phantom.
Basahin: Sina Badang at Melissa ang big winners sa MLBB patch 1.7.08
Guides at paano laruin si Melissa sa Early at Mid Game
Malaking factor ang second skill ni Melissa na “Eyes on You!”, at maaring ito pa nga ang dahilan kung bakit mo siya pipiliin sa metagame ngayon. Ginagamit ang “Eyes on You!” sa pag-panalo ng laning stage. Maari mong gamitin ang skill na ‘to para ipang-zone out ng katapat mong marksman sa lane. Pwedeng-pwede rin itong gamitin sa pag-harass ng katapat sa lane.
Maski Claude o Wanwan ay mahihirapan sa laning stage sa Melissa. Lamang na lamang din ito sa mga Marksman na hindi ganun kataas ang range. Isipin na ang second skill ni Melissa ay isang tool para i-extend o pahabain ang effective na range ng hero—dahil dito, ligtas kang makaka-freehit sa kalaban at madaling i-zone out ang katapat kapag naka-focus na ang bawat isa sa pag-farm ng mga minions.
Kung nakalamang ka na sa kalaban, maari mo nang i-Freeze ang lane. Ang pag “freeze” ng lane sa laning stage ay ang akto nang hindi pag-clear sa minion wave, at mag-focus na lang sa pag “last hit” ng mga minions. Bilang laner, hindi mo aatakihin ang mga minion, kung hindi para kunin ang last hit na ‘to (dahil sa bonus gold na makukuha mo). Sa ganitong sitwasyon, ang gusto mong mangyari ay i-zone out ang kalaban (gamit ang pag-harass) para maging low ang kalaban at hindi na maka-tapat sa ‘yo.