Sa wakas ay nagsimula na ang Mobile Legends: Bang Bang Development League Philippines Season 1 (MDL PH S1). Sa unang araw ay may apat na laban na isinagawa at dito nasaksihan ng marami ang mahuhusay na batang Pinoy players.

Karaniwang kaalaman na ang Pilipinas ang tinaguriang pinakamalakas na bansa sa eksena ng MLBB ngayon. Patuloy ang pagbuhos ng talento at bawat seaon ay may mga bagong pangalan na lumalabas na nagpapakita ng husay.

ECHO M4 Wordl Championship
Credit: ONE Esports

Isa sa mga pinakamagandanag halimbawa sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 10 (MPL PH S10) ay ang duo nina Alston “Sanji” Pabico at Sanford “Sanford” Vinuya mula sa ECHO. Pareho silang nagpakita ng bangis sa kanilang mga roles at nagawang maabot ang ikalawang puwesto ng tournament. Ang nakakabilib pa rito ay nagawa ng 17 at 16-anyos na manalo sa M4 World Championship.

Walang dudang MDL PH S1 ay isang mahalagang kaganapan para sa mga batang manlalaro na gustong makapasok sa MPL PH sa hinaharap.

Maraming mga interesanteng pangyayari sa unang araw ng tournament. Ngunit mayroong dalawang kapansin-pansin at pumasok sa mga talaan ng ONE Esports. Ito ay Gamelab at OMEGA NEOS na tumatak dahil sa kanilang meta.

Alice jungler sa MDL PH S1

Sa unang laro ng Gamelab laban sa RSG Ignite, pinili ni Vincent Brian “Takenaga” Montilla bilang jungler si Alice. Ito ang unang pagkakataon na lumabas ang Alice jungler sa opisyal na MLBB competitive scene.

Gamelab MDL PH roster
Credit: Gamelab

Sa totoo lang, medyo naging mabigat ang unang game para sa Gamelab dahil marami silang hero scaling na para sa mga super late games.

Nang makumpleto na ang items ng Alice at Moskov ng Gamelab, na-maximize nila ang potensyal ng mga heroes at nagawang baligtarin ang sitwasyon sa isang malaking team fight dahil sa presensya ng Alice jungler.

Ang Alice jungler ay gumamit ng Dominance, Oracle, at Winter Truncheon tank items.

Dahil dito ay madaling nakapag-deal ng damage ang Moskov sa tulong na rin ng Valentina, Khufra, at Benedetta. Nanalo ang Gamelab sa unang laban ng MDL PH S1 2-0.


Naging epektibo ang Lancelot tank jungler

Ang pangalawang sorpresa ay dumating sa laban ng Omega Neos vs TNC Neo. Dito nakuha ni Michael “MP The King” Medrocillo ng Omega ang pansin ng marami gumamit siya ng Lancelot.

Hindi na bagong hero si Lancelot, ngunit ginamitan niya ito ng full defense items. Oo, Lancelot tank jungler.

Omega Neos MP The King Lancelot tank jungler
Credit: MDL PH

Sa Lancelot build na ito, kaya niyang mag-initiate ng team fight at magpunta sa backline nang hindi natatakot na mamatay kaagad. Bagama’t nabawasan nang husto ang damage, hindi naman ‘yon ang layunin ng Omega Neos.

Item build ng Lancelot tank jungler ni MP The King:

  • Tough Boots
  • Molten Essence
  • Guardian Helmet
  • Bruteforce Breastplate
  • Athens S.H.I.
  • Antique Quirass

Isa lamang dibersyon si Lancelot upang magbato ng skills sa kanya ang mga kalaban at mabigyan ng pagkakataon na makabwelta ang kanilang marksman. Bukod pa dito, gumamit din ang Omega Neos ng makakapal na heroes na may crowd control gaya ng Lapu-Lapu sa midlane.

Dalawang beses ginamit ang Lancelot build na ito at parehong naging matagumpay. Sinimulan ng Omega Neos ang kanilang kampanya sa MDL PH S1 na may 2-0 na panalo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.