Opisyal nang inilabas ang schedule ng Mobile Legends: Bang Bang Development League Indonesia o MDL ID Season 6 playoffs matapos ang maaksyon na regular season.

Naging mas mahigpit ang mga labanan sa liga dahil sa pagpasok ng ilang mga beteranong manlalaro mula sa MPL ID. Sa pagtatapos ng regular season, nanguna ang EVOS Icon kung saan nalipat si Pinoy EXP laner Gerald “Dlar” Trinchera galing sa MPL squad na EVOS Legends.

Ngayon, magsasagupaan ang 10 natitirang koponan para sa top prize na Rp 75,000,000 (humigit-kumulang $4,932.70 o PHP289,000) ng Rp 300,000,000 (humigit-kumulang $19,731 o PHP1.1 milyon).

Narito ang lahat ng kailangan mong malaman patungkol sa MDL ID Season 6 playoffs.


Schedule at resulta sa MDL ID Season 6 playoffs

MDL ID Season 6 playoffs
Credit: MDL ID

Isasagawa ang MDL ID Season 6 playoffs mula ika-7 hanggang ika-9 ng Oktubre sa Studio Sepat, Tanjung Barat, South Jakarta. Nakabase sa oras sa Pilipinas ang schedule sa ibaba.

Day 1 – October 7

Round 1

KOPONANRESULTAKOPONAN
DNS Hammersonic0 — 2Geek Fam Jr
Bigetron Beta2 — 0ONIC Prodigy

Round 2

KOPONANRESULTAKOPONAN
Alter Ego X2 — 0Geek Fam Jr.

Day 2 – October 8

Round 2

KOPONANRESULTAKOPONAN
Aura Blaze0 — 2Bigetron Beta

Quarterfinals

KOPONANRESULTAKOPONAN
DEWA United2 — 0Alter Ego X
RRQ Sena1 — 2Bigetron Beta

Day 3 – October 9

Semifinals

KOPONANRESULTAKOPONAN
EVOS Icon2 — 0DEWA United
GPX1 — 2Bigetron Beta

Grand Final

KOPONANRESULTAKOPONAN
EVOS Icon0 — 3Bigetron Beta

Format at bracket ng MDL ID Season 6 playoffs

Credit: MDL ID

Tulad sa nakaraang season, ang mga koponan ay maglalaban sa ilalim ng King of the Hill bracket. Ang top 2 teams ng regular season ay magsisimula agad sa semifinals. Naka-seed naman ang 3rd at 4th sa quarterfinals habang ang 5th-6th ay nasa Round 2 at ang 7th-10th ay nasa Round 1.

Lahat ng serye ay best-of-3, maliban sa Grand Final na lalaruin sa best-of-5.


Saan mapapanood ang MDL ID Season 6 playoffs

Credit: EVOS Esports

Mapapanood nang live ang English broadcast ng mga laro sa opisyal na YouTube channel ng Mobile Legends: Bang Bang.

Para sa mga balita patungkol sa MLBB at iba pang esports titles, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


BASAHIN: Eksklusibo: Ito ang sikreto ng ONIC Esports para manaig sa MPL ID S10 regular season