Hindi na bago sa pandinig ng Mobile Legends: Bang Bang fans sa Pilipinas ang pangalan ni Aniel “Master The Basics” Jiandani. Nakilala ang content creator sa kaniyang husay sa paggawa ng mga hero guides gayundin ang mga pagpapaliwanag sa mga istratehiya at atake na umuusbong sa nasabing laro.

Patok ang inilalabas niyang content hindi lamang dahil sa maraming matutunan sa mga ito, kundi dahil din sa pamamaraan kung paano niya ipinapaliwanag ang mga konseptong nakapaloob dito.

Malumanay. Matalino. Ilan lamang iyan sa mga pang-uring maaaring maikabit sa pangalan ni Master The Basics. Ngunit paano nga ba nagsimula ang karera ni MTB sa Mobile Legends?


Si Master The Basics bilang MLBB content creator

Credit: Master The Basics Youtube

Sa likod ng tinatamasang tagumpay ngayon bilang content creator ay mapagkumbaba ang simula ni Master The Basics sa Mobile Legends. Kinuwento ni MTB sa ONE Esports Philippines ang nakakatuwang unang engkwentro niya sa laro.

Aniya, dumadalo lamang raw siya sa isang kasal nang mapansin niyang lahat ng kaibigan niya ay naglalaro ng MLBB. Dito raw niya unang sinubukan ang mobile game, kahit pa PC games tulad ng DoTA2 at LoL ang kaniyang comfort zone.

Dito nagsimula umusbong ang interes ni Master The Basics at nagsimulang sumubaybay sa mga content patungkol sa laro. Gayunpaman, inamin niya na nakulangan siya sa kaniyang mga napapanood.

“I am always interested in learning something in order to improve more but I feel there’s something lacking in the content that I watch. That made me want to create something better. At the start it wasn’t an easy journey but because of the support of my friends and family, especially my girlfriend it became easier,” paliwanag ni MTB.

Dagdag pa niya, “I think there’s not much difference from when I started because my goal is still the same – to share the knowledge that I have.”

Credit: Master The Basics Youtube

Karugtong ito ng rason sa likod ng kaniyang in-game name. “When thinking about the IGN I really wasn’t thinking about me. It’s about what I wanted everyone to know because Mastering the Basics isn’t only applied in MLBB but also in real life.”

Bitbit ang idelohiyang ito, patuloy na lumalawak ang naaabot ni MTB na ngayon ay may 820k subscribers sa kaniyang Youtube channel at 487k followers sa kaniyang Facebook. Hindi kagulat-gulat.

Ang tunay na gumulantang sa mga miron ay noong maisiwalat na bukod sa paggawa niya ng educational videos tungkol sa MLBB, malaki ang tulong na ginampaman ni MTB sa kampanya ng Blacklist International sa MPL Invitational 2021 at M3 World Championship.


Nagsimula bilang strategist bago maging Blacklist Assistant Coach si Master The Basics

Credit: Master The Basics

Mas umalingawngaw sa social media ang pangalan ni Master The Basics matapos ibahagi ni Johmar “OhMyV33NUS” Villaluna, kapitan ng Blacklist International ang malaking tulong na inambag ng content creator sa kanilang pagtahak sa M3 World Championship.

Ngunit bago pa man gumulong ang M3, ibinahagi ni MTB na mula pa noong November 2 noong nakaraang taon ay bahagi na siya ng koponan. Sa katunayan, nagpakita pa nga daw siya sa livestream ni OhMyV33NUS sa unang araw niya bilang miyembro ng Blacklist.

Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Inamin naman content creator na hindi niya inaasahan na magkakaroon ng interes sa kaniya ang dekoradong team.

“Blacklist International is the last team that I expected to reach out and offer me to join the team because of their achievements (being the champions). I didn’t think I would be any sort of help, but when Coach Bonchan offered me to try to be a strategist for a month or two, I immediately accepted the opportunity,” kuwento ni MTB.

Hindi matagal ang hinintay ni MTB para patunayan ang kaniyang husay bilang analyst dahil isang buwan makalipas ay naiuwi ng Blacklist ang pinaka-prestihiyosong gantimpala sa mundo ng MLBB.

Paglalahad niya, “It feels really good to be able to help but the only reason I was able to help is because I learned a lot from them. At first I’m always hesitant to share what I know because I think they already know it but during M3 I just shared everything.”

Credit: Blacklist International

“I also think it helps a lot on my journey as a content creator. I was so thankful for the special shoutout by OhMyV33NUS during the M3 global stage,” dagdag pa ni Master The Basics.

Ngayong opisyal na siyang kabilang ng koponan bilang Assistant Coach, nanatiling kumpiyansa si MTB sa kabila ng hamong haharapin nila ngayong MPL Philippines Season 9.

“It won’t be an easy journey since the captain and core are the ones who will be out for S9 but we are up for the challenge. Right now we’re still on the level where everyone needs to think and play as one, building the synergy.”

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga eksklusibong panayam tulad nito.

BASAHIN: KEVIER, Eson bibida sa MPL PH S9 roster ng Blacklist International