Siguro ay maraming gagaya sa item build na ginawa ni Bigetron Alpha gold laner Marky “Markyyyyy” Capacio sa Irithel matapos nilang patumbahin nila ang nangungunang koponan na ONIC Esports sa MPL Indonesia Season 10.
Na-maximize kasi ng Pinoy Mobile Legends pro player ang naturang marksman na nakatanggap nang ilang buffs sa dalawang nakalipas na patch kaya naman lumalabas siya sa competitive scene.
Sa ngayon, hindi pa rin priority pick si Irithel at pitong beses pa lang siyang nalalaro sa buong season. Marami pa rin ang mas gustong piliin sina Wanwan, Beatrix, Claude, Clint at kahit Brody. Sa pitong laro na ito, dalawang beses lang siyang nanalo at isa na rito ang kay Markyyyyy.
Kataka-taka ito dahil sa MPL Philippines, nasa top 3 priority picks para sa gold laner si Irithel. Pero dahil kay Markyyyyy na pinakita ang bangis nito sa Game 2, marami ang makakabatid sa lakas ng Jungle Heart.
Item build ni Markyyyyy para kay Irithel
Nakita ni Markyyyyy na hindi kaya pigilan ang basic attack ni Irithel at ang kanyang crowd control ang pinakamalakas niyang armas. Kaya naman mas ninais niya na magbuo muna ng Windtalker para sa attack speed at critical sabay Scarlet Phantom, Malefic Roar, Demon Hunter Sword at Haas Claw.
Gamit ang build na ito, malaki ang ginampanan ni Markyyyyy pagdating sa late game. Kumana siya ng 3 kills at 8 assists kontra 1 death sa 15-minute victory ng Bigetron Alpha laban sa ONIC Esports sa Game 2.
Matapos agawin ang momentum sa ikalawang laro, umarangkada na ang Bigetron Alpha patungo sa 2-1 upset win at nilampasan ang EVOS Legends papunta sa No. 5 sa standings hawak ang 6-7 series win-loss record.
Irithel item build ni Markyyyyy
- Tough Boots
- Windtalker
- Scarlett Phantom
- Malefic Roar
- Demon Hunter Sword
- Haas Claw
Panoorin kung paano ginamit ni Markyyyyy ang item build na ito kay Irithel para dalhin ang Bigetron Alpha sa panalo kontra ONIC Esports.
Para sa mga balita, guides at highlights patungkol sa Mobile Legends: Bang Bang, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango mula sa kathang ito sa ONE Esports Indonesia.