Hindi nagpatumpik-tumpik ang Malvinas Gaming na maagang nagbaga para buksan ang kanilang M4 World Championship kampanya. Ito ay matapos nilang sagasaan ang MDH Esports sa unang group stage match sa Group B.

Credit: Moonton

Hindi umubra ang mga Vietnamese sa Karrie ni Joel “JoelCrew” Huarino na matalinong pumosisyon para pakawalan ang pambihirang damage output ng kaniyang marksman. Dahilan ito para matibag ang sustain-centered draft ng MDH at pangunahan ang Argentinian esports org papunta sa tagumpay.


Malvinas Gaming matagumpay sa debut game kontra MDH

Maagang bahagi pa lamang ng laro ay hindi na pinaporma ng Malvinas Gaming ang team na katuwang sa Group B. Malaking bahagi ang ginampanan ng jungler Fredrinn ni Fran Eduardo “PrinceFran” Solís Gamarra na kinuha ang Turtle objectives kontra sa Ling ni Nguyễn “Jowga” Văn Joe.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Bukod sa macro objectives, nadiin din ng mga LatAm ang kanilang kalamangan sa pagkuha ng early kills kung saan nakalawit nila ang maagang 8-4 kill score abante. Sa proseso, nabigyan nila ng puwang ang Karrie ni JoelCrew na makuha ang kaniyang key items bilang paghahanda sa mga sumunod na teamfights.

Hindi nagsisi ang Malvinas sa pamumuhunan sa kanilang gold laner dahil sa nang kumatok sila sa base ng MDH sa ika-15 minuto, pinakawalan ni JoelCrew ang matinding physical at true damage galing sa kaniyang marksman.

Credit: Moonton

Nakakalawit ng Triple Kill ang batang pro sa midlane engkwentro, at hindi na lumingon pabalik ang team na binasag ang base sa mga sumunod na minuto.

Pumako ng perpektong 6/0/4 KDA at 744 gold per minute ang Malvinas gold laner para mayakag ang kaniyang team na isarado ang best-of-one.

Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli sa M4.

BASAHIN: M4 Group Stage: Blacklist pinalamig ang Incendio, Wise sinabing mas preparado ang team kontra Yu Zhong