Hatid sa inyo kasama ang Samsung.
test
Isa ang jungle Barats sa mga pinakamaaasahang hero sa naturang role sa Mobile Legends: Bang Bang.
Bilang jungler, madali niyang napapaabot sa maximum stack ang kanyang passive na Big Guy, na nakakapagbigay ng hybrid defense, resilience, at basic attack na may AoE damage.
Hindi rin mahirap para sa kanya na mag-clear ng jungle creeps dahil sa kanyang AoE skills na So-Called Teamwork at Missile Expert.
Bukod pa riyan, mayroon siyang bentahe pagdating sa pagkuha ng malalaking objectives, tulad ng Lord at Turtle, gawa ng control immunity na nagmumula sa kanyang ultimate na Detona’s Welcome.
Sa ONE Esports guide na ito, ibabahagi namin sa inyo ang emblem set na epektibo para sa jungle Barats, maging ang tatlong core items na dapat mong bilhin upang dominahin ang iyong mga kalaban.
Epektibong emblem set para sa jungle Barats sa Mobile Legends
Mabisa ang Support emblem para sa isang jungle Barats dahil sa malaking cooldown reduction at movement speed bonuses nito, na makakatulong sa mabilis na pag-ubos ng creeps at pag-rotate sa mapa.
Dagdag pa riyan, pinapalakas din nito ang iyong healing effect, na nagpapaigting ng HP regeneration at shield effect.
Para sa iyong standard talents, piliin ang Agility upang makakuha ng karagdagang movement speed, at Seasoned Hunter para sa adisyunal na damage laban sa Lord at Turtle.
Pagdating naman sa core talent, kunin ang Brave Smite. Papalakasin nito lalo ang iyong sustain dahil ibinabalik nito ang partikular na porsyento ng iyong maximum HP kapag naka-damage ka kalaban gamit ang skill.
Tatlong core items para sa jungle Barats sa Mobile Legends
War Axe
Pagkatapos mabuo ang tamang Boots, ilista ang War Axe bilang iyong unang core item. Nagbibigay ito ng physical attack, HP, at CD reduction.
Ang unique passive nito na Fighting Spirit ay sobrang mabisa para sa jungle Barats. Nagkakaloob ito ng karagdagang physical attack at spell vamp sa loob nang ilang segundo sa tuwing ikaw ay nakaka-damage ng kalaban.
Kapag naabot mo na ang maximum stacks ng War Axe, bibigyan ka nito ng abilidad na magpakawala ng true damage.
Sa pag-farm ng jungle at maging sa pagsabak sa mga team fight, madali mong mapapanatili ang War Axe stacks dahil sa iyong AoE skills at basic attack.
Brute Force Breastplate
Bilang tank jungler, kakailanganin ka ng iyong koponan na pumronta sa mga clash at tumangke ng damage mula sa kalaban. Kaya naman mainam na mamuhunan agad sa isang defense item sa early game pa lamang.
Pasok dito ang Brute Force Breastplate, sapagkat nagbibigay ito ng ekstrang HP at physical defense, bukod pa sa cooldown reduction na makakatulong sa pagpapanatili ng iyong Big Guy stacks.
At gaya ng Big Guy at War Axe, nagtataglay din ito ng effect na nag-i-stack na kung tawagin ay Brute Force. Ngkakaloob ito ng karagdagang physical attack, magic power, at movement speed sa bawat atake mo sa loob ng ilang segundo.
Dagdag pa riyan, mababawasan ang itinatagal ng stun, slow, at ibang crowd control debuffs sa iyo (maliban sa suppression) kapag naabot mo ang max stacks.
Guardian Helmet
Ang Guardian Helmet ang item nagbibigay ng pinakamalaking karagdagang HP sa MLBB. Nagbibigay din ito ng HP regen na porsyento ng iyong max HP kapag hindi ka nakakatanggap ng damage.
Kapag mayroon ka nito bilang jungle Barats, hindi mo na kakailanganing bumalik sa base para mag-regen.
Ngunit ang talagang dahilan kaya sakto ito ay ang benepisyo nito sa kanyang passive at ultimate.
Ang enhanced basic attack kasi na Trample, na lumalabas kapag naabot na ang max stacks ng Big Guy, at ang Detona’s Welcome ay may karagdagang damage na nakabase sa porsyento ng kanyang kabuuang HP.
Kaya naman ang Guardian Helmet ay hindi lang pang-sustain, bagkus ay nakakatulong din ito na pataasin ang iyong damage bilang Barats.
Para sa iba pang balita at guides tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Palakasin si Cici gamit ang 3 best items na ‘to sa Mobile Legends