Pinasinungalingan ng dalawa sa mga coaches ng ONIC Esports na sina Mars at Coach Yeb na may dalawang magkaibang roster ang kanilang team na dapat talunin ng iba, dahil lahat nang kanilang players ay may pantay-pantay na pagkakataong makapaglaro.
Inihayag ito nina Coach Yeb at mars sa programang Planet Esports sa RevivalTV YouTube channel noong Monday, November 28. Nilinaw ng dalawa ang argumentong ito at sinabing ang lahat nang kanilang players ay pantay-pantay at handang magpakita ng kani-kanilang husay.
“To be honest we don’t think of having an A or B roster because we think of the team as a whole which means every player. I think all the players are ready, regardless of who we want to field, they will play well,” sabi ni Coach Yeb.
Pareho ang ipinahiwatig ni Mars sa programa. Ang pagpapalit nila ng line-up sa bawat match at bawat game ay maaaring maulit sa M4 World Championship.
“You can also see for yourself in the regular season MPL, we don’t really package. Every week (line-up) can change, even in every game can be changed. You could say, later on the M4 it could also be alternated,” sabi ni Mars.
Ang line-up change ang magiging sandata ng ONIC Esports sa M4
Sa buong MPL ID Season 10, ang ONIC ang isa sa mga teams na may pinakamahirap hulaan na fielding line-up ng players. Bigla silang nagkakaroon ng dalawang kakaibang roamers o line-ups, lalo na sa mid lane at roamer.
Bagama’t may ibang players na nakapaglaro ng mas maraming games kaysa sa iba sa MPL ID Season 10, lahat sila ay nakakasabay sa laro ng bawat isa. Ang lahat ay nakabase sa kung anong klaseng gameplay o strategy ang gagamitin nila.
Gaya ng kanilang pinatunayan sa ONE Esports MPL Invitational 2022, kung saan mas kaunti ang kanilang roster at iba sa kanilang mainstay noong MPL ID S10, ngunit mahusay pa rin ang kanilang ipinakita at matagumpay na nadepensahan ang kanilang titulo sa event.
Nagpapakita ito na ang lahat nang players ng ONIC ay maaaring isalang sa entablado sa darating na M4. Ang lahat ay iaayon nila sa kanilang paghahanda at pati na rin sa magiging meta pagdating ng oras ng event.
Ang kalamangang ito ay ang sandatang bitbit ng ONIC sa ikaapat na MLBB world championship. Maaari nitong lituhin ang kanilang mga makakalaban na tukuyin kung alin ang dapat puntiryahin at kung anong klaseng gameplay ang dapat gamitin laban sa kanila.
Roster:
- Muhammad “Butss” Satrya Sanubari
- Gilang “SANZ”
- Kairi “Kairi” Ygnacio Rayodelsol
- Adriand “Drian” Larsen Wong
- Calvin “CW” Winata
- Nicky “Kiboy” Fernando Pontonuwu
- Thomas “SamoHT” Obadja
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.