Sa bansa ng defending Mobile Legends: Bang Bang champions nakatakdang ganapin ang susunod na edisyon ng M-series world championship.

Bago magsimula ang all-Filipino grand final ng M4 World Championship sa pagitan ng Blacklist International at ECHO, inanunsyo sa live broadcast na sa Pilipinas idaraos ang M5 World Championship.



Pilipinas ang magho-host ng M5 World Championship

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sa bansa gagawin ang prestihiyosong turneo. Sa Malaysia ginanap ang M1, sa Singapore naman ang M2 at M3, saka inilipat sa Indonesia ang M4.

Gayunpaman, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagraos ng international MLBB tournament ang bansa. Matatandaang noong 2019, sa Araneta Coliseum iniraos ang MLBB Southeast Asia Cup, kung saan nagtagumpay ang ONIC Esports.

M5 World Championship sa Pilipinas gaganapin
Credit: Moonton

Tampok sa MLBB world championship ang pinakamalalakas na koponan mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa M4, 16 na pambato mula sa 13 rehiyon—Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, Argentina, Peru, Cambodia, Brazil, MENA, Turkey, North America, Myanmar, at Vietnam—ang naglaban-laban para sa kampeonato.

Pilipinas ngayon ang may hawak sa pinakamaraming bilang ng MLBB world championship titles. Sinimulan ito ng BREN Esports noong M2 at sinundan ng Blacklist International noong M3.

M5 World Championship sa Pilipinas gaganapin
Credit: Moonton

Sa oras kung kailan isinapubliko ang anunsyo tungkol sa lokasyon ng M5 World Championship, maglalaban sa best-of-seven series ang dalawang pambato ng Pilipinas na Blacklist International at ECHO.

Samantala, nakatakda naman ganapin ang M5 World Championship sa Disyembre. Nakatakda pang ianunsyo ang venue nito, gayun din ang eksaktong petsa.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ito ang paliwanag ni RRQ Coach Arcadia kung bakit hindi nila binan ang Estes ng Blacklist