May dalawang bagay na kaabang-abang sa unang araw ng Enero kung ikaw ay isang Mobile Legends: Bang Bang esports fan — ang selebrasyon ng New Year at pagsisimula ng M4 World Championship.

Ang ikaapat na edisyon ng M Series ay may dalang mga kapana-panabik na bagong development. Sa unang pagkakataon, ang global tournament ay isasagawa sa Indonesia nang may live audience. Magbabalik din ang Vietnam at Myanmar matapos ang ‘di makasali sa M3.

Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman patungkol sa paparating na M4 World Championship, kabilang na ang schedule at resulta ng mga laro, mga kasaling koponan, at saan mapapanood nang live ang mga laban.


Ano ang M4 World Championship?

Credit: Moonton

Ang M4 World Championship ang ikaapat na edisyon ng pinakamalaki at pinakaprestihiyosong torneo ng Mobile Legends sa buong mundo.

Sa torneong ito, 16 kwalipikadong koponan mula iba’t-ibang rehiyon ang magsasagupaan para sa lion’s share ng US$800,000 o mahigit PHP45 milyon prize pool at sa karapatang tawagin bilang pinakamalakas na MLBB team sa mundo.

Noong nakaraang taon, ang Blacklist International ng Pilipinas ang nag-uwi ng titulo sa M3 at susubukan nilang depensahan ang kanilang trono sa M4.


Format ng M4 World Championship

Group stage format ng M4 World Championship
Credit: Moonton

Nahahati sa dalawang bahagi ang torneo — ang group stage at knockout stage.

Sa group stage, hahatiin ang 16 teams sa apat na grupo at maglalaban sila sa isang best-of-1, single round-robin format. Ang top 2 sa bawat pangkat ay aabante sa upper bracket habang ang bottom 2 ay babagsak sa lower bracket.

Ang knockout stage ay may double-elimination format. Lahat ng serye sa knockout stage ay lalaruin sa ilalim ng best-of-5 format, maliban sa unang dalawang round ng lower bracket na best-of-3 at grand final na best-of-7 naman.


Schedule ng M4 World Championship

Credit: Moonton

Gaganapin ang M4 sa Jakarta, Indonesia mula unang araw hanggang ika-15 ng Enero.

Ang Group Stage ay tatakbo mula January 1 hanggang 4 habang ang Knockout Stage naman ay gugulong mula January 7 hanggang 14. Ang Grand Final ay isasagawa sa January 15.

Group stage

Day 1 (January 1)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Blacklist International1 — 0Incendio Supremacy
Malvinas Gaming1 — 0MDH Esports
Incendio Supremacy1 — 0Falcon Esports
Todak1 — 0Malvinas Gaming
Falcon Esports1 — 0Burn x Flash
ONIC Esports0 — 1Todak

Day 2 (January 2)

KOPONANRESULTAKOPONAN
RSG SG1 — 0Occupy Thrones
The Valley1 — 0S11 Argentina
RRQ Hoshi— 0Occupy Thrones
RRQ Akira1 — 0The Valley
ECHO1 — 0RRQ Hoshi
Team HAQ0 — 1RRQ Akira

Day 3 (January 3)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Malvinas Gaming0 — 1ONIC Esports
Incendio Supremacy1 — 0Burn x Flash
MDH Esports0 — 1ONIC Esports
Burn x Flash0 — 1Blacklist International
Todak1 — 0MDH Esports
Falcon Esports1 — 0Blacklist International

Tiebreaker

KOPONANRESULTAKOPONAN
Incendio Supremacy0 — 1Falcon Esports
Blacklist International0 — 1Falcon Esports
Blacklist International1 — 0Incendio Supremacy

Day 4 (January 4)

KOPONANRESULTAKOPONAN
RRQ Akira0 — 1S11 Argentina
Occupy Thrones0 — 1ECHO
S11 Argentina0 — 1Team HAQ
ECHO1 — 0RSG SG
The Valley0 — 1Team HAQ
RRQ Hoshi1 — 0RSG SG
Credit: Moonton

Upper bracket quarterfinal (January 7)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Falcon Esports0 — 3ONIC Esports
ECHO3 — 2Team HAQ

Upper bracket quarterfinal (January 8)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Todak0 — 3RRQ Hoshi
RRQ Akira1 — 3Blacklist International

Lower bracket first round (January 9)

KOPONANRESULTAKOPONAN
RSG SG0 — 2S11 Argentina
Incendio Supremacy2 — 0MDH Esports
The Valley2 — 0Burn x Flash
Malvinas Gaming0 — 2Occupy Thrones

Lower bracket second round (January 10)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Falcon Esports2 — 0S11 Argentina
Team HAQ0 — 2Incendio Supremacy
Todak0 — 2The Valley
RRQ Akira2 — 0Occupy Thrones

Lower bracket third round (January 11)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Falcon Esports2 — 0Incendio Supremacy

Upper bracket semifinal (January 11)

KOPONANRESULTAKOPONAN
RRQ Hoshi2 — 3Blacklist International

Lower bracket third round (January 12)

KOPONANRESULTAKOPONAN
The Valley3 — 1RRQ Akira

Upper bracket semifinal (January 12)

KOPONANRESULTAKOPONAN
ONIC Esports1 — 3ECHO

Lower bracket quarterfinal (January 13)

KOPONANRESULTAKOPONAN
RRQ Hoshi3 — 2Falcon Esports
ONIC Esports3 — 1The Valley

Upper bracket final (January 13)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Blacklist International3 — 2ECHO

Lower bracket semifinal (January 14)

KOPONANRESULTAKOPONAN
RRQ Hoshi3 — 0ONIC Esports

Lower bracket final (January 14)

KOPONANRESULTAKOPONAN
ECHO3 — 1RRQ Hoshi

Grand final (January 15)

KOPONANRESULTAKOPONAN
Blacklist International0 — 4ECHO

Mga kasaling koponan sa M4 World Championship

Credit: Moonton

Narito ang lahat ng 16 kasaling koponan sa torneo.

TEAMTOURNAMENT
Blacklist InternationalMPL PH Season 10 champion
ECHOMPL PH Season 10 runner-up
ONIC EsportsMPL ID Season 10 champion
RRQ HoshiMPL ID Season 10 runner-up
Team HAQMPL MY Season 10 champion
TodakMPL MY Season 10 runner-up
S11 ArgentinaLATAM Super League Season 1 champion
Malvinas GamingLATAM Super League Season 1 runner-up
RSG SGMPL SG Season 4 champion
Burn x Team FlashMPL KH Autumn Split 2022 champion
Falcon EsportsMyanmar Qualifier champion
Incendio SupremacyTurkiye Sampiyonasi champion
Thrones EsportMPL MENA Fall Split 2022 champion
The ValleyNACT Fall Season – Path to M4 champion
RRQ AkiraMPL BR Season 3 champion
MDH EsportsMekong Qualifier

Saan mapapanood ang M4 World Championship

Credit: Moonton

Mapapanood ng MLBB esports fans ang mga laban nang live sa opisyal na Facebook, YouTube, at Tiktok channel.

Pwede namang manood nang live sa personal sa XO Hall ng West Jakarta para sa group stage, at Istora Senayan sa Gelora Bung Karno Sports Complex para sa playoffs. Mabibili ang tickets sa Blibli.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at update patungkol sa M4.

BASAHIN: Ilang slots ang makukuha ng bawat region para sa M4 World Championship