Natapos noong ika-15 ng Enero ang M4 World Championship, ang pinakamalaking Mobile Legends: Bang Bang tournament na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
Sinelyo ng ECHO ang kanilang kauna-unahan nilang world championship title matapos nilang walisin ang defending champions at kapwa kinatawan ng Pilipinas na Blacklist International.
- M4 Champions ECHO ibinahagi kung paano nila gagastusin ang kanilang US$300K prize money
- ECHO nilutas ang Blacklist, kampeon ng M4 World Championship
Distribusyon ng M4 World Championship prize pool
Bukod sa pinaka-aasam na kampeonato, ang mga Orca rin ang mag-uuwi ng pinakamalaking bahagi ng US $800,000 na prize pool ng turneo.
Ganito paghahatian ng 16 koponan ang M4 World Championship prize pool.
PUWESTO | KOPONAN | REHIYON | PREMYO (USD) | PREMYO (PHP) |
1 | ECHO | Philippines | US $300,000 | ₱16,400,000+ |
2 | Blacklist International | Philippines | US $120,000 | ₱6,500,000+ |
3 | RRQ Hoshi | Indonesia | US $80,000 | ₱4,300,000+ |
4 | ONIC Esports | Indonesia | US $55,000 | ₱3,000,000+ |
5 | Falcon Esports | Myanmar | US $40,000 | ₱2,100,000+ |
6 | The Valley | North America | US $40,000 | ₱2,100,000+ |
7 | Incendio Supremacy | Turkish | US $30,000 | ₱1,600,000+ |
8 | RRQ Akira | Brazil | US $30,000 | ₱1,600,000+ |
9 | S11 Gaming ARG | Argentina | US $15,000 | ₱820,000+ |
10 | Team HAQ | Malaysia | US $15,000 | ₱820,000+ |
11 | SWORDFISH | Malaysia | US $15,000 | ₱820,000+ |
12 | Occupy Thrones | MENA | US $15,000 | ₱820,000+ |
13 | RSG Singapore | Singapore | US $10,000 | ₱540,000+ |
14 | MDH Esports | Vietnamese | US $10,000 | ₱540,000+ |
15 | BURN x Team Flash | Cambodia | US $10,000 | ₱540,000+ |
16 | Malvinas Gaming | Peru | US $10,000 | ₱540,000+ |
At ‘yan ang kabuuang paghahati ng M4 World Championship prize pool. Sa patuloy na pag-usbong ng laro, inaasahan pa ang paglaki ng premyo nito sa M5 World Championship, na nakatakdang ganapin sa Pilipinas.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Dokmen ng GameLab sa kahalagahan ng community tournaments para sa amateur MLBB teams