Nakakasa na ang mga koponang magbabakbakan sa gugulong na group stages sa M4 World Championship.
Labing-anim sa pinakamahusay na Mobile Legends teams ang magdidikdikan sa Indonesia mula Enero 1 hanggang 15 para hiranging pinakamagaling sa mundo.
Susubukan ng paboritong Blacklist International na maging unang back-to-back champion ng M World Series, at panatilihing nasa puder ng Pilipinas ang tropeyo.
Ilang linggo bago gumulong ang nasabing kumpetisyon, pinagulong ng Moonton ang group draw event kung saan hinati sa apat na pangkat ang teams na lalahok. Heto ang resulta ng nasabing draw:
M4 World Championship group draw mechanics
Pinagulong nag Snake Seeding para matukoy ang placement ng mga koponan.
Binuo ng Pool 1 ng MPL PH Season 10 champion na Blacklist, MPL ID Season 10 champion ONIC Esports, MPL SG Season 4 champion na RSG SG at MPL MY Season 10 champion Team HAQ. Ang natirang 12 teams naman ang bumuo sa Pool 2.
Ang teams sa parehong region, kasama ang MLSL teams S11 na Argentina at Malvinas gaming ay hindi pinayagang mabunot sa parehong pangkat. Gayundin ang restriksyon para sa mga koponan sa Pool 1.
Resulta ng M4 Group Draw
Gugulong ang group stage mula Enero 1 hanggang 4, at ang knockout stage naman ay magaganap sa Enero 7 hanggang 14.
Magbabanggaan naman ang dalawang grand finalists sa Enero 15.
Makibalita sa mga kaganapan sa M4 World Championship sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: Paano naghahanda ang Blacklist sa M4 sa kabila ng IESF WEC 2022?