Ipinahiwatig ni dating EVOS Legends player Ihsan “Luminaire” Kusudana na ang tsismis patungkol sa pagsali ng “WORLD” sa Piala President Esports 2022 ay maaaring totoo. Siya at ang dati niyang mga kakampi na nagwagi sa M1 World Championship ay pwedeng makita sa nasabing torneo.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang WORLD ay moniker na binuo mula sa initials nila Muhammad “Wannn” Ridwan, Eko “Oura” Julianto, Gustian “REKT”, Luminaire at Yurino “Donkey” Angkawidjaja na ibinandera ang EVOS Legends at itinanghal na pinakaunang Mobile Legends: Bang Bang world champions noong 2019.
Sa mga nakalipas na araw, lumitaw ang bali-balita na maglalaro ang WORLD sa President’s Cup mula mismo sa mga miyembro sa pamamagitan ng isang usapan sa Discord. Tinignan ng marami na biruan lamang ito ngunit ngayon ay may mga indikasyon na sasabak talaga sila sa kompetisyon.
Tinalakay ni Luminaire ang posibilidad na maglaro ang M1 champs sa President’s Cup. At sa katunayan, ni-leak pa nga niya ang ilan sa mga naging usapan ng kanilang grupo patungkol dito.
‘Di pa sigurado si Luminaire kung lalaro nga ang WORLD, pero nagiging seryoso ang posibilidad
Katulad nang maraming viewers, inakala rin ni Luminaire na joke lang ang usapan. Pero ngayon ay mas nagiging seryoso na ang diskusyon at naghahanap pa nga sila ng gaming house (GH) para makapagsanay sila.
“At first, I thought jokingly, it turned out that really in our group there was a discussion. ‘So we don’t play the President’s Cup? Gas, gas, gas.’ They all want to,” kwento ng dating EVOS Legends midlaner.
“I don’t know if this is true or their joke, but obviously in our group there was a discussion of playing in the President’s Cup and now we are also looking for GH for our place. So just wait,” dagdag niya.
Sa isa pang video, in-spill pa niya ang ilan sa mga usapan sa kanilang grupo patungkol dito, ang kanilang plano at posibleng pagpalit ng role nila ni Wann.
“I don’t know because I’m not a captain in the WORLD. So I just followed along. If my friends want gas, it’s gas.”
Kaabang-abang tuloy kung talaga nga bang magpapakita ang WORLD sa President’s Cup o hindi. Kung totoo ito, siguradong magsisilbing kulay ito sa isa sa pinakamalaking esports tournament sa Indonesia.
Para sa iba pang artikulo patungkol sa esports at gaming, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa akda ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.