Sa nakalipas na ilang taon, pangarap na ng mga Mobile Legends: Bang Bang pro players ang makatapak sa grandest stage sa mobile esports scene, ang M-Series, na kilala rin bilang MLBB World Championship.
Bawat taon, ang mga pinakamahusay na teams mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ay naglalaban-laban sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong paligsahan upang matukoy ang MLBB world champion.
Ang unang tournament ng series ay ginanap sa Kuala Lumpur Malaysia noong 2019. Bawat taon, isang parangal ang ibinibigay sa key player ng championship winning team, isang player na nagkaroon ng malaking epekto sa kanilang kampanya tungo sa tagumpay – ang grand final MVP.
Narito ang apat sa mga manlalaro na ginawaran ng grand final MVP sa mga nagdaang taon.
All MLBB World Championship MVPs
TOURNAMENT | COUNTRY | WINNING TEAM | MVP |
M1 World Championship | Indonesia | EVOS Legends | Oura |
M2 World Championship | Philippines | Bren Esports | KarlTzy |
M3 World Championship | Philippines | Blacklist International | OHEB |
M4 World Championship | Philippines | ECHO | BennyQT |
Oura (M1 World Championship)
Ang una at nag-iisang Indonesian M-Series MVP, si Eko “Oura” Julianto ay nanguna sa EVOS Legends sa isang nakakakilabot na 7-game series laban sa RRQ Hoshi.
Ang kanyang mahusay na paggamit ng Masha ay lubos na nakatulong sa kanyang koponan na manalo sa all-Indonesia grand final sa inaugural tournament na puno ng aksyon.
KarlTzy (M2 World Championship)
Tinawag sa palayaw na “KarlTusok”, si Karl “KarlTzy” Nepomuceno ay naging isang puwersa na dapat isaalang-alang sa M2 World Championship grand final.
Isa-isang itinumba ng noon ay 16-year-old na jungler ang kanilang mga kalaban gamit ang kanyang signature hero na si Lancelot. Ito ay pinatibay nang piliin ng Bren Esports si Lancelot bilang kanilang world championship skin bilang parangal sa kanilang star player.
OHEB (M3 World Championship)
Si Kiel “OHEB” Soriano ang naging hitman na kailangan ng Blacklist International para maisakatuparan ang 4-0 sweep sa grand final laban sa ONIC PH.
Ipinakita ng Filipino Sniper ang kanyang husay sa paggamit ng mga marksman heroes, lalo na sa kanyang Beatrix. Tiniyak ng gold laner na ito na maihahatid niya ang kanyang koponan sa tagumpay sa pamamagitan ng pagiging isang damage-dealing machine.
BennyQT (M4 World Championship)
Kinilala si Benedict “BennyQT” Gonzales bilang isang banta sa kanyang paggamit ng marksman hero na si Karrie.
Naintindihan niya ang kanyang assignment bilang carry ng kanyang team, at pinangunahan ang ECHO sa 4-0 na tagumpay laban sa defending world champion, ang Blacklist International.
Dahil dito, ang bagyong si BennyQT ay nakakuha ng pagkilala bilang isa sa mga pinakamahusay na gold laner sa laro.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.