Hatid sa inyo ng kasama ang Samsung.
Matapos ang mahabang panahon na meta ang Ling, inulan din naman ito ng mga nerf at balancing patches. Kaya nama’y nag-iba na talaga ang paraan para laruin ang unique na assassin na ‘to sa laro ng Mobile Legends: Bang Bang. Kung maghahanap ka ng guide ng Ling, kailangan mo palaging tignan kung anong araw nga ba ito na-patch, sa kadahilanang, nagbabago din talaga ang approach ng mga teams at players sa hero na ‘to.
Kung sa ngayong ika-apat na quarter ng 2022, paano nga ba laruin si Ling?
Komprehensibong Item Build sa Ling
Bilang isang Jungler, uunahin talaga ang Jungle Boots. Sa metagame ngayon, ang Ling (at halos lahat ng Junglers) ay gumagamit na ng Ice Retribution, dahil mas kailangan na ang positioning kaysa ang damage or HP. Lalo na’t kahit mag Sprint ang mga teams ay kaya nang pabagalin ng kaunti ang mga hero, napakalaking advantage ng pang habol o pangtakas ng Ice Retribution.
Simulan ang pagfa-farm sa Jungle ng simple or “brown boots” muna ang Ling, sabay rush sa Windtalker. Windtalker ang magbibigay ng mataas na boost sa farming (dahil sa bonus attack speed, movement speed, at damage pa) at ito na ang magpapalakas sa Ling sa early game.
Kadalasang diskarte sa Ling ang pag-prioritize sa farming, kaya nama’y importanteng ma-rush ang Windtalker.
Sunod na dito ang mga typical na item katulad ng Berserker’s Fury (ang Critical build Ling ay nauso simula nang patch sa kaniya ngayong taon), ang Endless Battle para sa sustainability at raw damage sa teamfights, ang Malefic Roar na pampabilis ng pag-kill sa kalaban, at Blade of Despair para sa damage at ang kit na pag-sweep (pag kitil ng mga low-hp heroes) upang tuluyang maging assassin.
Ginagamit din ng mga players ngayon ang Immortality sa mga importanteng situation, ang Blade Armor kung madalas ang mga duel, ang Athena’s Shield, kung sakaling kailangan kontra sa mga burts, at ang Antique Cuirass (sakaling may Fanny o Natalia sa kalaban).
Meta Emblem Sets para sa Ling
Para sa Ling, dalawa ang maaring maging Emblem set. Isang naging meta build sa Ling noong mga nakaraang buwan (sagap ang MPL Season 9 hanggang 10) ay ang Jungle Emblem, na nagpapabilis sa pagfa-farm ng Ling sa Jungle, pati na rin sa kadahilanang maipanalo ang mga Lord and Turtle fights.
Malaking tulong din ang attack speed boost sa tree ng Jungle Emblem, kaya nama’y ito rin talaga ang nagiging choice ng mga Ling players sa pagpili ng Emblem set.
Ginagamit din kadalasan ang Killing Spree Emblem tree kung ang target nama’y Late Game scaling, at presensya sa teamfights dahil ssa DPS sa heroes.
Gameplay ng Ling
Magmumukhang simple ang paglalaro ng Ling, pero mahirap sa mismong laro na. Sa early game, ang focus ng Ling players ay ang kanilang Jungling Pattern, at pag-conserve ng First Skill na Finch Poise.
Layunin ng Ling na mag-focus sa pagfa-farm sa early game. Ngunit parte ng early game ang ilang mga pickoffs, kaya nama’y dapat naka-abang sa mga malalapit na teamfights ang Ling player. Kung safe ang pagpick-off (o pagkuha ng kill), maaring i-commit ang Finch Poise para dito. Kung hindi naman safe, maiging mag-farm na lamang.
Importante din ang presensya ng Ling sa mga Turtle at Lord Dances. Gamitin ang Finch Poise para maka-pwesto ng maganda mga Turtle Fights, at i-combo kasama ang ultimate na Tempest of Blades kung sakaling bakbakan na ng retribution sa mga neutral objective teamfights.
Sa Late Game, timing at pwestuhan na ang diskarte sa Ling. Kayang-kaya mag outplay ng Ling dahil sa kaniyang Finch Poise, halos unlimited na mga dashes, at ang Ultimate na may saglitang invulnerability sa laro. Gayunpaman, importante pa ring intindihin na ang Ling ay isang Sweeper, na nage-excel sa pagpatay sa mga heroes na hindi mataas ang HP at hindi sustain ang damage-type.