Karamihan sa Mobile Legends: Bang Bang players ay bina-ban si Ling sa kanilang ranked games. Pero kung alam niyo kung paano siya kontrahin, pwede mong piliin na harapin na lang siya.
Ang pangunahing trabaho ng assassin ay pumasok sa back line ng kalaban, partikular na ang marksman at mage. Isa sa pinakanilalarong roles sa MLBB, maaaring mapanalo o maipatalo ng assassins ang isang laro.
Nakakakagalaw sa ibabaw ng walls si Ling gamit ang Finch Poise kaya isa siyang highly mobile na hero. Sinasandalan naman niya ang Defiant Sword para sa damage. Kasama pa ang kanyang ultimate na Tempest of Blades, madalas ay nabubura ang target niya sa isang iglap.
Gayunpaman, walang perpektong hero at isa na siya rito. Heto ang tatlong pinakamabisang pangontra sa kanya.
Ang 3 best counters kay Ling
Kaja
Isang fighter support hero na kayang mag-deal ng malaking damage gamit ang Ring of Order kahit pa nasa pader si Ling, ang slow effect nito ay kayang mabawasan ang kanyang mobility.
Dagdag pa rito, bangungot ang Divine Judgment ultimate ni Kaja dahil kapag nahuli siya nito, hindi siya makakagalaw at mabu-burst down na lamang.
Ruby
Si Ruby ay isang fighter na kayang tanggalin ang likot ni Ling. Sa pamamagitan ng Don’t Run, Wolf King!, kaya niyang hilain ang assasin mula sa pader at i-stun ito sa loob ng 0.5 segundo. Mararamdaman niya rin ang damage nito dahil ‘di naman siya kakunatan.
Ang ultimate spell naman niya na I’m Offended! ay may pull mechanic din, isa pang rason kung bakit dapat maging maingat ang Ling users kapag katapat ang isang Ruby player.
Minsitthar
Si Minsitthar ay isa sa mga hero na dinisenyo para tablahin ang assassins. Dulot ng kanyang mechanics, isa siyang natural na pangontra para sa mga naturang hero.
Kaya niyang hilain si Ling mula sa pader gamit ang Spear of Glory. Katambal ang Shield Assault, na nakaka-stun nang isang segundo, may disenteng damage, at nagbibigay ng shield, palaging pabor ang palitan para kay Minsitthar kontra sa kanya.
Sa pamamagitan ng pag-master ng isa sa kahit sino sa mga hero na ito, hindi na magiging sanhi pangamba si Ling.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Mobile Legends news, guides at updates.
Ito’y pagsasalin ng katha ni Amanda Tan ng ONE Esports.