Opisyal nang pinagulong ng Moonton ang Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.20 bilang parte ng Project NEXT initiative sa layuning bigyan ng update ang dati nang heroes tulad nina Gusion at Lesley na inilabas pa noong 2018.
Swabe ang bagong character model ng dalawang heroes pero mapapansin na mas maraming binago sa marksman. Mas gana na ngayon ang Lesley dahil sa mga pagbabagong inilatag ukol sa kaniyang skills.
Hindi maitatanggi na wala sa priority pick sa pro play ang hero dahil sa kakulangan sa mobility at early game damage nito. Ngayong binigyan ng revamp ang kaniyang abilities ay inaasahan na magiging viable na muli siya sa meta na dinodomina ng tanks mapa-jungle man o mapa-EXP lane.
Mga pagbabago sa Lesley sa MLBB patch 1.7.20
Attributes
- Pinataas ang Base Attack mula 131 na ngayon ay 140 na
- Pinababa ang Attack Growth mula 9 papuntang 7
- Binabaan ang Attack Speed Ratio mula 100% papuntang 80%
Passive – Lethal Shot
- True damage na ang karga ng Lethal Shot crits ngunit binabaan ang base crit damage
- Masasalin sa crit damage base sa set ratio ang bawat isang point ng fixed physical penetration
- Binabaan ang physical attack mula 120% patungong 110%
- Inayos ang isyu kung saan may ilang equipment na hindi nakukuhanan ng bonus crit chance mula sa skill
Skill 1 – Master of Camouflage
- May bagong textures kapag naka-Camouflage para mas swabe ang effect nito
- Mas malinis na ang combo niya kasama ang Basic Attacks
- Binawasan ang physical attack mula 75-200 papuntang 85-135
- Inayos ang isyu kung saan may ilang equipment na hindi nakukuhanan ng bonus crit chance mula sa skill
Skill 2 – Tactical Grenade
- Bahagyang tinaasan ang casting range, binigyan ng redesign ang animation at visual effects, at in-optimize ang combos katuwang Basic Attacks at Skill 1
Ultimate – Ultimate Snipe
- Binigyan ng redesign ang indicator at visual effects
- Tinaasan ang Base Damage ng Fatal Bullets mula 200-300 patungong 250-350
- Bagong passive effect: Nakakakuha ng critical chance base sa skill level (5% – 15%)
Parte na ng true damage club si Lesley
Ang pinakamalaking pagbabago sa Deadly Sniper sa patch 1.7.20 ay true damage na ang karga ng kaniyang first skill na Lethal Shot. Bago ang update, dalawang marksmen lamang ang may kayang magpakawala ng ganitong uri ng damage: sina Karrie at Wanwan.
Malaki na agad ang epekto nito sa ranked games. Ayon sa MLBB stats, si Lesley na ngayon ang pinakapopular na marksman Legend+ rank, at mas mataas na sa Beatrix simula pa noong unang ilabas ang hero.
Binigyan din ng bahagyang increase ang base damage ng Ultimate Snipe, na ngayon ay kakargahan na din ng extra 5% crit chance per skill level.
Bagamat mas magiging epektibo ang hero sa meta na dinodomina ng tank junglers, maliit pa rin ang kaniyang impact sa laning phase lalo na kung katapat ang marksmen na gap closers. Para mabalanse ang kaniyang increased base damage, binawasan naman ang kaniyang attack growth per level at attack speed ration.
Mas mababa na din ang critical damage ng Lethal Shot. Kung kaya, epektibo lamang ang Lesley sa laning phase kung wala pang defensive items ang kalaban.
Sa madaling sabe, magandang opsyon ang Lesley kontra tanky lineups ngunit hindi kasing-ganda kung ikukumpara sa marksmen na may high DPS at gap closing abilities.
Lahat ay nag-aabang sa pagsalang ng hero sa MPL ngunit dahil sa rework na ito ay hindi malayong ilang linggo lamang ang aabangan para makita ng mga miron ang tunay nitong bangis.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mas marami pang MLBB guides, news at updates.
BASAHIN: Ekslusibo: Tinanggal na nga ba talaga ang Talent System? Binigyang-linaw ito ng Moonton