Napatunyan ni Calvin “CW” Winata na siya ang pinakamalakas na gold laner sa Indonesia. Gamit kasi ang taglay niyang husay sa paggamit ng mga marksman na hero, kinilalang kampeon ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) ang ONIC Esports.

Malawak ang hero pool ni CW. Bukod pa sa kanyang mataas na macros at game mastery, na kailangan para maging isang shotcaller, nakapagpagana rin ng cheese pick ang manlalaro sa grand finals ng MPL ID S10.

Siya lang ang tanging player na nagkaroon ng lakas ng loob na gumamit ng Miya at Lesley sa huling laban at nanalo.

Lesley ni CW sinelyo ang kampeonato ng ONIC Esports sa MPL ID S10

CW gumamit ng Lesley para selyuhin ang kampeonato ng ONIC Esports sa MPL ID S10
Credit: Moonton

Maraming ang nagulat sa Lesley pick ni CW. Gayunpaman, napatunayan niyang may plano siya at epektibo ito laban sa draft ng RRQ Hoshi. Hindi nga nakaporma ang Claude at Pharsa dahil sa lakas mag-snowball ng hero.

Matapos ang kanilang tagumpay, ipinaliwanag ni CW ang dahilan sa likod ng naturang desisyon. Ibinahagi niya rin ang mga bentahe ni Lesley na wala ang ibang hero.

Credit: ONE Esports

“Saya sebenarnya sudah cukup sering main Lesley. Sudah dipakai di scrim juga beberapa kali lawan tim-tim kuat juga,”

(Madalas din talaga ako gumamit ng Lesley. Ginagamit namin ‘to sa laban sa mga malalakas na koponan sa mga scrim.)

“Mengapa baru sekarang keluar di MPL? Karena waktunya yang tepat saja sih. Memang ada saran dari pelatih juga.”

(Bakit ngayon lang sa MPL? Kasi ngayon lang naging tama ‘yung timing. Na-suggest din ng mga coach namin.)

“Lesley bagus karena di late game sakit true damagenya. Mau pakai WON atau apapun bisa tembus,”

(Maganda si Lesley dahil sa late game, masakit na ‘yung true damage.)


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: ONIC Esports sinakop ang kaharian ng RRQ Hoshi sa MPL ID S10