Masaya si RRQ Hoshi veteran Muhammad “Lemon” Ikhsan sa paglalaro ng ranked games sa Mobile Legends: Bang Bang gamit ang Kagura na binubuuan niya ng bihira pero napakaepektibong items.
Kilala si Lemon sa mabisang paglalaro ng napakaraming hero, isang talento na hindi kayang gawin ng ibang players. Isa sa mga hero na iniuugnay sa kanya ang mage na si Kagura.
Sa kanyang mga laro, ipinakita ng manlalarong may taguring “Alien” ang pinakamabisang items para sa Onmyouji Master na hindi madalas buuin ng ibang manlalaro.
Ito ang 2 best items para kay Kagura base kay Lemon
Sa pinakabagong item build ni Lemon, Glowing Wand ang isa sa mga mabisang item para sa naturang mage hero. Swak ito sa mga tulad niya na nakakapagbitaw ng maraming skills sa maiksing oras dahil sa malaking damage nito mula sa Scorch passive effect.
Sulit din ang stats nito na +75 Magic Power, +400 HP at +5% Movement Speed para sa agresibong paglalaro sa early game. Makulit at mailap ang mage hero, ngunit kailangan niyang makalapit sa kanyang target upang magamit nang todo ang kanyang combo. Kaya naman makakatulong ang dagdag na HP at Movement Speed para makaligtas siya sakaling mag-counterattack ang kalaban.
Ang ikalawang item na epektibo ay ang Enchanted Talisman. Ginawa ito para sa mga mage na kailangan ng cooldown reduction at mana regen. Mayroon itong dalawang passive effect, ang Magic Mastery na nagbibigay ng 5% Max Cooldown Reduction at Mana Spring na nagre-regen ng 15% Max Mana kada 10 segundo.
Maraming skills ang Onmyouji Master kaya kailangan niya ng solidong Mana Regen, na kayang ibigay ng Enchanted Talisman. Mainam din ang CD reduction nito para mas madalas siyang makapagbitaw ng skills.
Panoorin ang gameplay ng RRQ Hoshi player sa ibaba:
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Mobile Legends news, guides at updates.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indonesia.