Napili na ang mga manlalarong bubuo sa Indonesian MLBB National Team para sa ika-32 Southeast Asian Games (SEA Games) at sa pitong pangalang inanunsyo, hindi napabilang ang kay Muhammad “Lemon” Ikhsan.

Kahit pa isa si Lemon sa mga pinakatanyag na pangalan sa MLBB, hindi ito naging sapat para mapili siya ni Bjorn “Zeys” Ong sa koponang kanyang binuo.

'Di nakasama si Lemon sa Indonesian MLBB National Team, ito ang masasabi niya
Credit: ONE Esports

Matatandaang susi si Lemon sa tagumpay ng RRQ Hoshi bilang kanilang starter ngayong ika-11 season ng MPL Indonesia. Mabuti niyang ginagampanan ang role ng EXP laner, at baka kung hindi dahil sa kanya ay hindi nanalo ang kanyang koponan sa El Clasico kontra EVOS Legends.

Sa kabila nito, ang EXP laner pa rin ng EVOS Legends na si Rizqi “Saykots” Iskandar ang kinuha para maging parte ng Indonesian MLBB national team, at hindi si Lemon.



Ang pahayag ni Lemon tungkol sa national selection at ang dahilan kung bakit hindi siya pinili ni Zeys sa Indonesian MLBB National Team

'Di nakasama si Lemon sa Indonesian MLBB National Team, ito ang masasabi niya
Credit: PB ESI

Sa isang press conference matapos ang tagumpay ng RRQ Hoshi kontra EVOS Legends, 2-1, binahagi ni Lemon na mahalaga pa rin sa kanyang nakasali sa national selection, kahit hindi siya napili.

“Jujur saya tak terlalu memikirkan untuk dipilih (ke Timnas MLBB Indonesia). Saya hanya ingin belajar karena baru pindah ke EXP Lane juga. Jadi supaya tahu ilmu-ilmu dari pemain lain juga,” ani Lemon.

(Sa totoo lang, hindi ko naman masyadong inisip na hindi ako pinili. Gusto ko lang din matuto dahil lumipat ako sa EXP lane. Gusto kong matutunan ‘yung mga nalalaman ng ibang players.)

Sa isang livestream, nabanggit din ni Zeys kung bakit hindi nakapasa si Lemon sa national team. Aniya, maraming dahilan kung bakit hindi nakasama ang beterano.

'Di nakasama si Lemon sa Indonesian MLBB National Team, ito ang masasabi niya
Credit: ONE Esports

“Lemon memang bagus mainnya. Tapi lebih karena dia baru pindah ke EXP. Dia lebih ke bagus bikin momen. Pas kami ngobrol dan coba, tetap Saykots (lebih bagus),” paliwanag ni Zeys.

(Magaling si Lemon maglaro, pero kakalapit niya lang sa EXP lane. Magaling siya gumawa ng mga play. Noong nagka-usap kami, mas magaling pa rin talaga si Saykots.)


Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ito ang maikling paliwanag ni Coach Adi sa 3 roamers na sasalang para sa MLBB team ng ID sa 2023 SEA Games