Isa si Lancelot sa pinaka-versatile na assassin hero sa Mobile Legends: Bang Bang. Kaya niyang pumasok at lumabas nang mabilis sa team fight, iwasan ang mga skill ng kalaban, at i-burst down ang pinakamakukunat na hero gamit ang tamang build.

Lalong sumikat ang nasabing hero matapos ipakita ni dating Bren Esports at ngayo’y ECHO jungler Karl Gabriel “KarlTzy” Nepomuceno ang lakas nito. Nilista niya ang nag-iisang savage noong M2 World Championship laban sa 10s Gaming Frost.

Gayunpaman, hindi imposibleng mapatumba siya. Narito ang ilan sa pinakamabisang pangontra na heroes sakaling makalaban niyo siya sa inyong ranked games.


3 counters kay Lancelot sa Mobile Legends

Silvanna

Credit: Moonton

Ang una sa ating listahan ay walang iba kundi si Silvanna. Kaya siya naging magandang counter dahil sa kanyang angking kunat na nagpapahirap para ma-burst down siya.

Ang ultimate ni Silvanna na Imperial Justice ay naho-hold down si Lancelot kahit gumamit siya ng Phantom Execution o Puncture para makatakas. Gamit ang kanyang malawak na abilidad at crowd control spells, kayang i-outsustain ng Imperial Knightess ang kanyang target at tuluyan itong kitilin.


Ruby

Credit: Moonton

Hindi sikat sa kasalukuyang meta si Ruby, pero swak ang kanyang skill set para sa assassin heroes.

Ang kanyang skills na Don’t Run, Wolf King! at I’m Offended! ay mga perpektong gap closers sa tuwing gagamit si Lancelot ng Puncture o Phantom Execution. Mayroon ding matinding life steal si Ruby at madali niyang napapabalik ang kanyang HP.

Kahit sinong makulit na assassin hero ay mahihirapag gumawa ng impact sa isang team fight kapag may Ruby sa kabilang koponan. Kaya naman lagi niyo siyang isaalang-alang kapag may kalabang nag-pick ng Lancelot.


Chou

Credit: Moonton

Ang isang malupit na Chou player ay kayang kontrahin ang halos lahat ng hero sa Land of Dawn.

Partikular na pagdating kay Lancelot, may skills si Chou na kaya siyang guluhin. Napakalambot na hero ng Blade of Roses, kaya naman pwede siyang mapaslang gamit ang isang combo ng Jeet Kune Do at The Way of Dragon.

Dagdag pa rito, ang isang magaling na Chou ay kayang i-outmaneuver ang Lancelot at gumanti kapag naka-cooldown ang skills nito. Mahirap katapat ang Kung-Fu Boy laban sa mga malalambot na hero, kaya lagi siyang mainam na pick kung may makita kayong Lancelot sa kalabang koponan.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Mobile Legends news, guides at updates.