Naghahasik na sa ranked games ang pinakabagong tank fighter ng Mobile Legends: Bang Bang na si Fredrinn.

Ang bagong hero ngayon ang pangpito sa mga most banned na hero matapos magtala ng halos 29% ban rate ayon sa MLBB stats. Kargado ang skillset ni Fredrinn ng mga crowd control. ‘Di rin siya ganun kadali pitasin sa team fight salamat sa kanyang passive.

Kung nahihirapan kang tapatan ang bagong hero ngayon sa EXP lane, ‘wag ka nang magalala. Maari mong gamitin ang tatlong hero na ‘to para kontrahin si Fredrinn.

3 pinakamabisang hero para kontrahin si Fredrinn sa Mobile Legends: Bang Bang

X.Borg

Kontrahin si Fredrinn gamit ang 3 hero na 'to sa Mobile Legends
Credit: Moonton

Isa si Fredrinn sa mga pinakamakunat na EXP laners sa laro ngayon at halos imposibleng mapatumba ito sa laning phase dahil sa taas ng kanyang defensive stats. Kaya’t kung gusto mong manalo sa lane laban dito, gamitan mo ng X.Borg.

True damage ang bigay ng first skill nito na Fire Missiles. Kayang nitong kontrahin si Fredrinn lalo na’t nakatanggap pa ng buff si X.Borg noong patch 1.7.08. Nagii-scale din sa magic ang mga skill ng naturang hero kaya ganang i-build ang Glowing Wand o Ice Queen Wand.

Sa laning phase, mainam pa rin na unahin ang Bloodlust Axe para sa sustain na bigay ng dagdag spell vamp.


Thamuz

Kontrahin si Fredrinn gamit ang 3 hero na 'to sa Mobile Legends
Credit: Moonton

Isa ngayon si Thamuz sa pinakamalalakas na hero sa kasalukuyang meta. Gaya ni X.Borg, may kakayahan din ang Fighter na ‘to na gumuhit ng true damage salamat sa kanyang passive na Grand Lord Lava. ‘Di problema ang pakikipaghampasan kay Fredrinn gamit ang Molten Scythes, Chasm Trample, at basic attack combo.

Tantyahin din ang paggamit ng kalabang Fredrinn ng Appraiser’s Wrath para masabayan mo ito ng ultimate ni Thamuz na Cauterant Inferno para sa dagdag HP regeneration at physical damage.

Unahin ang Demon Hunter Sword at Corrosion Scythe kung maglalaro sa EXP lane kontra Fredrinn.


Valir

Kontrahin si Fredrinn gamit ang 3 hero na 'to sa Mobile Legends
Credit: Moonton

‘Di man EXP laner si Valir pero saktong-sakto ang skillset niya para kontrahin si Fredrinn. Kaya kasi ng Mage na ‘to na makapagbitaw ng mataas na damage nang hindi lumalapit sa kanyang target. At kung makalapit man ang Rogue Appraiser gamit ang kanyang Brave Assault, madali lang itong itutulak palayo ng Searing Torrent.

Pantanggal din sa mga crowd control skill ang ultimate ni Valir na Vengeance Flame. ‘Wag kalimutan ‘to kung mahuhuli ng Energy Eruption o Piercing Strike.

Mahalaga ang positioning ‘pag kalaban si Fredrinn at sakto si Valir para dito.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Tank Benedetta ni Wise pinanatiling undefeated ang Blacklist International sa MPL PH S10