Madalas na nakadepende sa roamer ang takbo at rotation ng isang Mobile Legends team. Sa MLBB eksena sa Pilipinas, nangingibabaw si Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna ng Blacklist International sa usaping ito, ngunit hindi kapos sa magagaling na support players ang bansa.

Nariyan din ang lider ng tinaguriang House of Highlights team na ECHO na si Tristan “Yawi” Cabrera, at sa likod naman ng MSC 2022 Champions na RSG Philippines ay nariyan si Dylan “Light” Catipon.

Credit: MPL Philippines

Samantala, hindi kasing-dalas pag-usapan ang pangalan ng players sa naturang posisyon na nasa Indonesian MLBB eksena. Liban na lamang sa pagdating ni Allen “Baloyskie” Baloy sa Geek Fam ID, hindi kasing-tunog ang mga ito kung ikukumpara sa junglers at EXP laners sa liga.

Ngunit kung susuriing maigi, isang pangalan ang maaaring masambit ng mga miron. Ito ay si Nicky “Kiboy” Fernando ng ONIC Esports.


Ang mga katangiang ito ni Kiboy ang nagtuturo kung bakit dapat siyang tawaging best Indonesian MLBB roamer

Credit: ONE Esports

Batid ng fans sa MPL ID na si Kiboy ay isa sa piling roamers na may high mechanic ability. Ngunit mas malakas na pruweba ang tagumpay na naabot ng ONIC Esports pro sa kaniyang karera kasama ang organisasyon.

Mataas na mechanic ability

Credit: Moonton

Hindi madalas na may mataas na mechanic ability ang roamer sa MLBB. Kaya naman, isa si Kiboy sa mga tinitingala sa larangang ito. Katulad ni Yawi sa MPL PH, laman ng highlight reels ang pro dahil sa kaniyang maniobra sa high-mechanic tanks tulad na lamang ng Chou at Jawhead.


Macros at comms sa team

Credit: ONE Esports

Kung papanoorin ang ONIC Esports roamer sa mapa, mapapansin ang husay niya sa macro galawan. Magilas sa positioning at rotational play ang beterano kung kaya’t madalas na lamang ang kaniynag team sa mapa.

Bukod dito, hindi rin nagkukulang si Kiboy sa shotcalling. Saksi ang media at fans sa aktibong komunikasyon niya sa kaniyang mga kakampi kung saan muli’t-muli niyang inilalahad sa kanila ang posisyon ng mga kalaban sa mapa, o di kaya naman ay ang dapat nilang gawin para makuha ang kalamangan.

Pati ang dating EVOS Legends superstar na si REKT, malakas ang tiwala sa MPL ID Season 10 champion. Aniya, kung makakasama daw sa ranked game ang roamer ay “autowin” daw ito.


Malawak na hero pool

Credit: Moonton

Isa ang ONIC Esports pro sa roam position na may malawak na hero pool. Ito ay marahil dahil sa kaniyang pagiging masugid na gamer kung saan naglalaro siya ng hanggang walong oras pagkaraan ng kaniyang training kasama ang team.

Kaya naman, hindi lamang initiation heroes ang gamay ng 20-anyos na pro. Pambihira din ang kaniyang hawak sa heroes tulad ng Selena at Kadita, pati na rin ang healing supports na imporante sa macro play ng kaniyang team.

Pagsasalin ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: ‘All PH’ ang top junglers ngunit MPL ID players naman ang top gold laners para kay Baloyskie. Sinu-sino nga ba sila at bakit?