Noong nakaraang linggo lang ay umugong ang bali-balita na lilipat si Smart Omega star gold laner Duane “Kelra” Pillas sa Indonesia, partikular na sa MPL Indonesia powerhouse teams na ONIC Esports at RRQ Hoshi.
May ilang senyales ang nagpapahiwatig na tutungo si Kelra sa ONIC ID at magsisilbi bilang reserve player ng kasalukuyang MPL ID at ONE Esports MPL Invitational champions. Ngunit pinabulaanan na ito ng coaches ng Yellow Hedgehogs na sina Ronaldo “Aldo” Lieberth at Ahmad “Mars” Marsam.
Inamin naman ni RRQ Hoshi CEO Andrian Pauline o mas kilala sa tawag na Pak AP na sinubukan nilang i-recruit si Kelra para sa MPL ID Season 9, ngunit nasa ilalim pa siya ng kontrata noon. Kalaunan ay nawala na rin ang interes ng King of kings ng Indonesia na kunin siya.
Para naman kay dating EVOS Legends analyst Setiawan “Hyde” Ade, imbes na sa ONIC ID o RRQ Hoshi, mas mainam na mapunta sa koponang ito ang pamosong Pinoy gold laner.
Bagay si Kelra sa Aura Fire, sabi ni ex-EVOS Legends analyst Setiawan Ade
Nakapanayam ng ONE Esports si Ade at tinanong kung may posibilidad kaya na kunin ng White Tigers si Kelra, lalo pa’t medyo may butas ang koponan pagdating sa gold lane. Wala sa form si Hafizhan “Clover” Hidayatullah habang ‘di pa sigurado kung nasa pinakamataas na lebel na ba si Jabran “Branz” Wiloko.
Naniniwala si Ade na imposibleng ipasok ng EVOS Legends ang Pinoy pro na kilala sa kanyang Claude.
“Tak ada uang EVOS, sudah ada Clover juga. Kelra itu bagus kalau ke Aura Fire, yang bisa Claude pokoknya (Walang pondo sa ngayon ang EVOS at nandyan pa naman si Clover. Maigi kung sa Aura Fire siya mapupunta dahil sa galing niya mag-Claude),” sabi ng dating EVOS Legends analyst sa isang live stream.
“Alter Ego sudah bagus, EVOS bagus kali, RRQ sudah solid, begitu juga Geek Fam dan RBL yang punya Haizz. ONIC Esports, saya tidak tahu sih (Okay na ang Alter Ego pati EVOS, solido na rin ang RRQ maging ang Geek Fam at Rebellion. ‘Di ko lang sigurado sa ONIC Esports).”
“Saya kadang melihat CW, hmmmm. Bagus sih heronya banyak dan sepertinya ONIC tak butuh Kelra (Maraming heroes si CW at mukhang ‘di na kailangan ng ONIC si Kelra),” dagdag pa ni Ade.
“Tapi yang sudah pasti bagus Kelra ke Aura Fire. Bigetron Alpha sudah punya Markyyyyy jago, BTR tak mungkin karena baru juga goldlanenya (Pero siguradong swak si Kelra sa Aura Fire. May Markyyyyy na ang Bigetron Alpha at imposibleng palitan nila siya dahil siya na ang bago nilang gold laner),” pagtatapos niya.
Pwedeng maging superyor ang Aura Fire kasama si Kelra
Isa sa pinakamagaling na MPL ID team ang Aura Fire sa ngayon. Patunay dito ang dalawang 3rd place finish nila sa mga nagdaang season. Gayunpaman, tila problema ang hero pool ni gold laner Leonardo “Kabuki” Agung.
Masyadong umaasa si Kabuki sa paggamit ng Beatrix at Brody, at minsan ay napupwersa silang maglaro ng gold lane fighter dahil sa kanyang hero pool.
Sa kabilang banda, isang reliable gold laner naman si Kelra kaya isa siyang interesanteng choice para sa Aura Fire. Kaya niyang palakasin ang apoy ng koponan at mabahagian na rin ng kaalaman si Kabuki.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa akda ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.