Isa sa mga pinaka-contested na heroes noong M4 World Championship ang marksman na si Karrie. Ngunit sa pagsisimula ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11), tila nawawala na ang kinang ng Lost Star. Ang dahilan nito ay ang nerf na kanyang natanggap sa 1.7.58 patch.

Sa patch update, pinahina ang kanyang passive at ultimate skills na pangunahing dahilan kung bakit siya kinatatakutan. Narito ang mga detalye:

MLBB Karrie
Source: MLBB

Passive – Lightwheel Mark

  • Ang damage na dating 8% ng Max HP ng target ay bumaba sa 6%-8% na lamang.

Ultimate – Speedy Lightwheel

  • Ang damage ng kanyang basic attack na dating 65%-75% ng total physical attack ay bumaba sa 50%-70% na lang ng total physical attack.

Bukod pa dito, ang basic attack effect na nagmumula sa equipment na dating 65%-75% ay binaba rin sa 50%-70%.

Karrie bumaba ang pick rate sa MPL PH S11

Karrie Gill Girl skin
Credit: Moonton

Kung titiganan ang data ng unang linggo ng MPL PH S11, tatlong beses lamang nagpakita sa Land of Dawn ang marksman hero na nagkaroon ng 20% pick rate at 7% ban rate.

Tanging ang mga gold laners lang na sina Dominic “DomengDR” Delmundo ng Nexplay EVOS at Duane “Kelra” Pillas ng Smart Omega ang gumamit sa hero na ‘to. Panalo naman ang lahat nang beses na lumabas ang hero kung kaya’t meron itong 100% win rate.

Gayunpaman, hindi maitatanggi na humuhupa na ang takot ng maraming players sa dating kilabot na marksman hero ng M4 World Championship, dahil marami sa kanila ang mas pumipili ng ibang marksman na magiging mas epektibo para sa kanilang lineup.

Sa competitive scene, kahit ang maliit na pagbabago ay nagkakaroon ng malaking epekto sa kalalabasan ng game. Bagama’t malakas pa rin si Karrie sa late game, magiging sugal ito dahil maaari itong kakitaan ng kahinaan at magamit ng kabilang team laban sa inyo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.