Bisitahin natin ang mga must-have items ni Karrie, ang Marksman na tuluyang sumakop sa M4 World Championship.  

Naghasik ng lagim si Karrie sa M4 group stage: maliban sa pagiging second most banned na hero, kasama rin siya sa listahan ng top five heroes na may pinakamataas na win rate.  Sa lahat ng mga appearances ng marksman hero na ‘to, si Bennyqt ng ECHO ang player na nagtagumpay sa paglabas ng maximum potential ng hero na ‘to.  



Siya, kasama ang ECHO ay natalo ang dalawang malaking teams, kasama na dito ang RRQ Hoshi, sa group stage noong ginamit nila si Karrie. 

Tignan natin kung paano gamitin ang best items ni Karrie.  

Best items ni Karrie para kay Bennyqt 

MLBB Karrie
Source: MLBB

Totoo na ang damage ang isa sa pinakaimportanteng bagay para sa isang gold laner tulad ni Karrie. Ngunit kung damage lamang ang pagtutuunan mo ng pansin, madali lang siyang matalo.  

Sa apat na laro na ginamit ni Bennyqt ang Karrie, pinakita niya na may epektibong paraan para makapagdulot ng damage nang hindi mailalagay ang sarili sa panganib, at ito ang paggamit ng Wind of Nature (WoN). 

Isa sa mga kahinaan ng hero na ito ay ang kaniyang short attack range, kaya naman madali siyang atakehin ng mga front row opponents na pinalakas ng physical fighter heroes. Malulunasan ito gamit ang WoN. Dumating sa punto na matapos makumpleto ang Boots at ang Corrosion Scythe (o kaya nama’y Demon Hunter Sword), ang susunod na item agad ni BennyQT ay ang Wind of Nature.

Dahil sa pag-rush ni Benny ng Wind of Nature, mas mabilis siyang activated at mas maaga rin siyang nakakasama sa mga teamfight.

Maliban sa pagkaroon ng karagdagang Physical ATK, Attack Speed, at Physical Lifesteal, mayroon ding immune effect ang item na ito laban sa Physical attacks. Para sa security reasons, hindi nakakagulat na kasama ang WoN sa best item list na ‘to.  

MLBB Golden Staff
Credit: Moonton

Mayroon ding isa pang item na palaging ginagamit ng mga experienced Karrie users, at ito ang Golden Staff. Alam nating lahat na isa sa mga rason kung bakit nakakadulot siya ng massive damage ay dahil sa Passive Skill ng Lightwheel Mark. Mapupuno agad ang stack na ‘to at magdaragdag pa ito ng Attack Speed. 

Ngunit hindi lang ‘yan ang rason kung bakit karapat-dapat maging isa sa mga best items ni Karrie ang Golden Staff. Isa pang rason ay ang passive effect ng item na ‘to, ang Endless Strike. 

Kayang-kaya paabutin ng Endless Strike ang maximum Stack gamit lamang ang tatlong Basic Attacks. Kaya naman kayang-kaya patumbahin ng mga skilled Karrie users ang mga enemy tanks nang mabilisan.  

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB