Isa si ECHO star jungler Karl “KarlTzy” Nepomuceno sa mga manlalaro na pinakakinikilala pagdating sa paggamit ng Lancelot sa Mobile Legends: Bang Bang.

Ang naturang assassin hero ang ginamit niya para pangunahan ang Bren Esports patungo sa tuktok ng M2 World Championship at ipukol din ang unang savage sa torneo. Dahil sa kanyang husay sa paglalaro nito, binansagan siyang “KarlTusok” ng mga casters at fans.



Madalas ay binubuuan niya ang kanyang Lancelot ng physical damage items mapa-Assassin o Jungle emblem man ang gamitin niya. Pero sa kasalukuyan, nauuso ang tank Lancelot sa MPL Philippines Season 11 at MDL Philippines Season 1.

Ano nga ba ang masasabi ni KarlTzy patungkol dito?


Heto ang opinyon ni KarlTzy sa nauusong Lancelot na may tank item build

KarlTzy
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Sa post-match press conference matapos ang 2-0 sweep ng ECHO kontra TNC sa MPL PH Season 11 Week 3 Day 1, tinanong ang two-time world champion kung makikita na ulit ang kanyang signature hero ngayong sumisikat ang tank Lancelot.

“Depende po. Pero kung ganun po ‘yung gagawin ko parang boring kasi walang thrill ‘pag tank (Lancelot) eh,” tugon ng 18-year-old pro.

Credit: Moonton

Sa panayam naman ng ONE Esports, ipinaliwanag ni KarlTzy kung bakit niya nasabing nakakayamot gawin ang kakaibang item build sa kanyang signature assassin.

“Nakakatawa tignan kasi eh. Nakikita ko rin kasi ‘yun sa MDL. Nagdada-dash siya pero nakakairita tignan kasi parang walang bawas. Parang pasikat ka lang, nakakainis.”

Sa kabila nito, aminado ang 1-time MPL champion at Southeast Asian Games 2019 gold medalist na viable ang tank Lancelot at posible pa ngang isalang niya mismo ito.

“Viable po. So, pwede ko rin i-try.”

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.