Usap-usapan nitong mga nakaraang araw ang komento ni Karl “KarlTzy” Nepomuceno ng ECHO tungkol sa sumisikat na Lancelot tank build o mas kilala sa tawag na Tank-celot.

Ayon sa jungler ng ECHO, “boring” daw at hindi tugma sa kanyang panlasa ang nasabing Lancelot build na kasalukuyang ginagamit ng ilang teams sa liga. Dagdag pa niya, nakakatawang tignan ang Tank-celot dahil sa kawalan nito ng damage pagdating sa mga team fights.

Depensa ng mga sumusuporta sa build, epektibo ito pagdating sa jungling at Lord fights dahil sa mas tumatagal ito sa laban kumpara sa tradisyunal na assassin build. Bukod dito ay mas madaling nakakatawid papunta sa backline ng kalaban ang Tank-celot upang bulabugin ang damage dealers ng kabilang team.


KarlTzy nakaharap ang Tank-celot sa MPL PH Season 11

ECHO KarlTzy post-match interview MPL PH S11 Week 4 Day 1
Credit: MPL PH

Sa ikaapat na linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 11 (MPL PH S11), nakaharap ng M4 World champions ang Smart Omega, isa sa mga teams na gumagamit ng Tank-celot sa kanilang lineup.

Tagumpay na naipagtanggol ng ECHO ang kanilang winning streak sa regular season at naipanalo ang series, subalit nakakuha ng isang puntos ang Omega nang kunin nila ang ikalawang game, kung saan ginamit ng kanilang jungler na si Dean Christian “Raizen” Sumagui ang Lancelot na may tank build laban sa Julian ni Karl.

Sa post-game interview, tinanong ng MPL host na si Mara Aquino kung anong masasabi ng ECHO jungler sa nakatapat nitong Lancelot sa Game 2.

Ngunit walang pagbabago sa opinyon ni KarlTzy tungkol sa Tank-celot. “Boring pa rin po para sa’kin,” sabi niya.

“Hindi naman ganun kalaki yung impact ng hero niya eh,” dagdag pa ng pro player.

Sa kabila ng mga komentong ito, nilinaw pa rin ng 2-time MLBB world champion na hindi niya kinamumuhian ang nasabing Lancelot build, sadyang hindi lang ito akma sa pamantayan niya ng isang mabisang jungler hero.

“Hindi ko naman po siya hate, ayoko lang, kasi wala talagang damage.”

Muling makakaharap ng ECHO ang Barangay Omega sa April 14, 6:30 p.m. (GMT+8).

Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MPL PH S11 sa mga sumusunod na channels at pages:

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.